Blank notepad and pencil

Kung ako’y lilisanin na
Ng kakayahang magpinta
Ng mga salita at istorya
Sa mga gabing kapiling ka
Ng mga alaala ng pag-iisa
O aking sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Kung ako’y tinatakasan na
Ng mga angkop na salita
Ng mga tugma at hiwaga
Ng sanaysay at tula
Ng nobela na malaya
Ngayon pa lang o sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Ngunit…

Kung ibig mo pang bumalik
O kung magbabago ang isip
Kung ibig mo nang manatili
Sa aki’y humalik
Pawiin ang pangungulimlim
Ang puso ko’y liwanagin
Ang nais ko lang sabihin…

O liyag huwag mo akong lisanin.


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. JAP says:

    Ang galing! Malungkot pero sweet. 🙂

    Liked by 1 person

  2. Doctor Eamer says:

    Napakanta tuloy ako.lol! At sa iyong paglisan.. ang tanging pabaon ko… ay pag-ibig.hehe

    Like

  3. chevybo says:

    Galing! May sequel kaya na ang taytel eh, “sa iyong pagbalik” 🙂

    Like

  4. aysabaw says:

    hiyessssssss 🙂

    Like

Leave a reply to Pinay Unlimited Cancel reply