Sa maraming pagkakataon, nababatid ko na marami na sa atin ang nagtanong nang ganito:

Lord, bakit ako?

Lord, puwede bang huwag na lang ako? Hindi ko yata kaya.

Lord, bakit Niyo po ba ako pinagkakatiwalaan ng ganito?

Lord, puwede bang sumuko?

Kahit na anong lakas ng iyong mentalidad, minsan, magagapo ka rin ng pagod at marahil maiisipang sumuko.

Lahat naman tayo napapagod. Lahat tayo maraming layunin sa buhay na pinipilit marating. Lahat tayo ay may kanya-kanyang daang nilalakaran. Lahat tayo, ikaw at ako, nanghihina rin.

Sinasabi ng ilan sa akin, buti pa raw ako “chill” lang. Mukhang di nai-stress. Hindi lang nila alam, palibhasa’y hindi lang kasi ako pala-reklamo. Hehe.

Ang sinasabi ko sa kanila sa tuwina, kanya-kanyang pagdadala kasi yan. Ako kasi mas nanghihina ako kapag naglalaan ako ng maraming enerhiya sa pagrereklamo.

Pero siyempre, tao naman ako. Napapagod. At minsan nagrereklamo rin.

At minsan, nagtatanong kay Lord kung puwede bang sumuko.

Na sinasagot naman Niya ng oo puwede naman. Dahil may kalayaan daw akong mag-isip.

At sinasagot ko naman na, Lord hindi mo po ba ako pipilitin man lang?🙂

At sasabihin Niya na, hindi na anak kasi alam mo naman sa sarili mo na wala ka na namang ibang choice eh… kung hindi ang magpatuloy.🙂

Sweet lang ni Lord minsan noh?🙂

jeremiah_29_11O siya, mag-Jeremiah 29:11 lang tayo kapag lumalabo na ang takbo ng isip.

 


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. Doctor Eamer says:

    Puwede naman magpahinga. Huwag lang sumuko.🙂

  2. chevybo says:

    Ang galing nung excerpt from the book of Psalms. Kudos! Maraming Salamat sa lathang ito..🙂

  3. aysabaw says:

    naks inspirational🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s