Matabang Suliranin

Posted: September 1, 2017 in Ang Kwento ni Pinay
Tags: , , ,

Pinalalakas ko ang aking suliranin. Pinakakain ko ng dalawang bandehadong pagdududa at takot. At pinaiinom ng walong pagsambit ng “ayoko na” bawat araw.

Hindi porke’t mandirigma, wala na sa bokabularyo ang mga salitang “suko na.” Hindi porke’t matapang, hindi niyo na ipaglalaban. At hindi porke’t nagtitiis, humihinga pa.

Habang nagtatabaan ang mga suliranin sa buhay, siya namang pagtakas ng sigla at sustansiya sa aking katawan.

Kaya ko pa ba? Baka.

Parang masarap ‘yang baka.

Comments
  1. aysabaw says:

    huuuuyyyyyy long time 🙂

    Like

Leave a comment