Archive for the ‘Mga – Usapin’ Category

Ayoko nang bigyan ng panahon sa buong time ng quarantine na ‘to ang mga kritikal lang, ‘yung wala nang ibang nakikita kundi ang negativity lang.
 
I am also taking lesser time sa social media because I want to protect my peace. Am I being less of a Filipino dahil ayoko magpaka-nega? No. Hindi nasusukat sa ingay sa social media ang pagka-Pilipino.
 
‘Coz it’s one thing to be critical and it’s another thing to be destructively critical.
 
Maybe Filipinos won’t realized this yet. But the problem is not entirely the government. Malaking bahagi rin ng problema ang mga tao nito. Tapos nagtataka tayo bakit ‘di sumusulong ang bansa? Mahilig magsisihan. Sakit ‘yan ng Pilipinas. Ang manisi nang manisi. Without realizing na isa sa mga problema ay mga mismong sarili nila. Walang accountability. Puro turo sa iba.
 
At alam niyo kung ano pa? Ang hilahin ang isa’t isa pababa. Oo. Buhay na buhay pa rin ang crab mentality sa bansa.
 
Tahimik kapag may mabuting nangyayari. Ang ingay-ingay kapag may ‘di nagustuhan. Ano pokus nating mga Pilipino? Ang negativity.
 
Filipinos love negativity. And I don’t want to be part of this blame game.
 
Ito ang prinsipyo ko sa isyu sa lipunan: I will not go with the flow. I will use my mind more that my mouth. I will think before I speak. At kung wala akong maibabahaging ideya para maging solusyon o hindi ako magiging bahagi ng solusyon- I will shut my freaking mouth. 
 
This divisiveness is what’s killing this nation.

 

Real or Fake

Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.

Ito ay lumang kasabihan na maaari pa ring kapulutan ng aral ng kasalukuyang henerasyon patungkol sa lumalaganap na isyu na tinatawag na fake news.

Gusto kong bigyang kahulugan muna ang mga salitang ito. Ang fake sa Filipino ay huwad, na ang ibig sabihin ay hindi totoo. Samantalang ang “news” naman ay balita. At bilang journalist noong ako’y nasa high school, naalala kong sinabi ng aking guro na si Ma’am Ayla na ang news ay factual report of an event. Nang ako ay magkolehiyo sa kursong Mass Communication, gayun din ang simpleng kahulugan na ibinigay sa salitang “news.”

Sa madaling salita, kung ang news ay factual information, maaari ba nating sabihin na may huwad na katotohanan? Mayroon nga bang fake news?

Ang sagot ay WALA. Wika nga ng kilalang mamamahayag na si Raffy Tima, “It’s either news or fake information.”

Ang tiwala sa balita ay bumaba na dahil na rin sa mga iresponsableng mga tao na nagpapalaganap ng maling impormasyon. Nawa’y magkaroon ng panibagong perspektibo ang mga tao na huwag maliitin ang salitang “balita” o “news.” Bagkus, ikategorya na “news” ang pag-uulat sa totoong impormasyon at sabihing “fake information” ang mga lumalaganap na impormasyong hindi totoo.

Kaya mahalagang matutunan ng bawat isa na kilatisin ang mga impormasyong bumabaha sa social media nang makilala kung ito nga ba ay news o fake information lamang.

At hindi na nga maitatatwa na marami na ang naging biktima ng maling impormasyon. Kaya naman balikan natin ang ating kasabihan na nasa sa itaas: Ang maniwala sa sabi-sabi ay walang bait sa sarili.

Ang unang dapat gawin ng mga tao ay huwag maniwala agad sa sabi-sabi. Hindi porke’t nabasa mo ay totoo na. Hindi porke’t sinabi ng kakilala mo ay totoo na. May dapat kang gawin- MAGSURI. Suriin ang nabasa o narinig. Sino ang nagsabi? Saan galing ang impormasyon? Mapagkakatiwalaan o nasa awtoridad ba?

Kung may pag-aalinlangan sa iyong sagot sa mga tanong sa itaas, lalong mas dapat kang magsiyasat nang hindi mo rin masabi ang winika ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson, “Biktima rin po ako ng fake news.”

Maging responsable sa mga papaniwalaan nang hindi maging biktima. Maging mabait sa sarili, sa pamamagitan nang hindi agad paniniwala sa mga sabi-sabi. Ang iyong isip ay marapat na pakainin lamang ng mga totoong impormasyon. At kinakailangan mo iyong pagtrabahuhan. Oo, kailangan mong pagtrabahuhan dahil ang katotohanan ay hindi isinusubo lamang.


*Photo: http://www.yaow.org/2017/05/true-or-fake-news/