Blank notepad and pencil

Kung ako’y lilisanin na
Ng kakayahang magpinta
Ng mga salita at istorya
Sa mga gabing kapiling ka
Ng mga alaala ng pag-iisa
O aking sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Kung ako’y tinatakasan na
Ng mga angkop na salita
Ng mga tugma at hiwaga
Ng sanaysay at tula
Ng nobela na malaya
Ngayon pa lang o sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Ngunit…

Kung ibig mo pang bumalik
O kung magbabago ang isip
Kung ibig mo nang manatili
Sa aki’y humalik
Pawiin ang pangungulimlim
Ang puso ko’y liwanagin
Ang nais ko lang sabihin…

O liyag huwag mo akong lisanin.


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. JAP says:

    Ang galing! Malungkot pero sweet.🙂

  2. Doctor Eamer says:

    Napakanta tuloy ako.lol! At sa iyong paglisan.. ang tanging pabaon ko… ay pag-ibig.hehe

  3. chevybo says:

    Galing! May sequel kaya na ang taytel eh, “sa iyong pagbalik”🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s