loud-mouth

O pamagat pa lang may pinaglalaban na noh? Haha.

Ang bawat isa sa atin ay may mga laban sa buhay. Mga laban na tayo mismo ang namili. May mga laban na may katuturan, may mga laban na walang patutunguhan at may mga laban din naman na walang katuturun at walang patutunguhan.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng laban? Maihahalintulad ba natin ito sa isang giyera?

Oo, maaaring ihalintulad doon. Sapagkat dito’y may dalawang magkatunggaling puwersa, ideyolohiya, pananaw, paniniwala, at kung anu-ano pa. Halimbawa sa tanong na may poreber ba o wala ay naniniwala kang walang poreber. At hindi ka pa nakuntento na sarilihin ang iyong paniniwala at pinaalam mo pa sa buong mundo sa pamamagitan ng pagbahagi mo ng iyong oras at enerhiya (tulad ng pagpost sa social networking sites). Siguro nga ang isa sa mga pinost mo ay tulad ng mga ito:

Ang poreber ay parang pagmamahalan namin ni Rizal. WALANG GANUN. #walangforever

Sa kanta ni Ed Sheeran na Thinking Out Loud sinabi niya na “I’ll be loving you till we’re seventy.”

Hanggang 70 years old lang niya mamahalin. Wala talagang forever.

Ang motolite na lang ang pangmatagalan. #walangforever.

Ngayon balik na tayo sa pinaglalaban ko talaga. Haha.

Ang pinaglalaban ko lang naman dito ay bakit may mga taong akala mo laging may giyera at trip na trip ang sumalungat (o magmagaling kung minsan). Aba’y nakaiirita na rin ha. Ang daming problema ng mundo at sa tingin ko hindi nila napapansin na isa sila doon. Feeling lang niya na nakakatulong siya sa problemang panlipunan at iba pa, ang hindi niya alam puro lang siya reklamo. Oo. Puro ka lang po reklamo.

Hangga’t maaari, bago magsalita o magbahagi ng salungat na opinyon, sana tinatanong niya muna ang sarili kung:

May mabuting dulot ba talaga ito sa mga taong makakarinig?

Wala ba akong tinatapakan na inosenteng tao? O hindi ba ako nagmumukhang backfighter lang?

Hindi ba ako nagmamagaling lang?

Ito bang ipaglalaban ko ay makakabenepisyo ng nakararami o para lamang sa pansarili kong kapakinabangan?

Ngayon kung may mabuting dulot ang sasabihin mo, kung wala kang inosenteng tinatapakan, kung hindi ka nagmamagaling lang at kung hindi lang ito para sa sarili mo aba’y sige ipaglaban mo. Ika nga ni Vice Ganda push mo ‘yan.

Pero kung isa na naman ito sa makasarili mong mga gawi aba’y tumahimik ka na lang. Bakit hindi ka po kumilos at gawin ang dapat gawin kaysa maglaan ng maraming oras sa kakasatsat ng iyong mga reklamo.

Mas magiging produktibo ka pa kung kikilos ka.

Ang dami mo pong isyu sa buhay. Sobra na! Tama na! (May welga? Haha).


(Ang pinaglalaban ko talaga rito ay ang una kong blog post para sa taong ito. Haha. Anong petsa na).

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. Maxima says:

    Happy Valentine’s Day!

  2. Doctor Eamer says:

    Ipinaglalaban ko ang kagwapuhan sa mundo. LOL!🙂 Go laban lang ng laban! Baka 1 Million na yan! (Eat Bulaga).hehe🙂

  3. aysabaw says:

    pinakamaganda yung pinaglalaban mo. mabuhay ang una mong post😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s