About

pinay-with-friendsPinay Unlimited

Ako ay bahagi ng bansang iniibig ko. Ako ay binibini ngunit hindi mahinhin kung dalhin ang sarili. Maikli ang buhok ko. Dahil ito ang bagay sa akin. Bilang babae gusto ko lang ibahagi na ang pagiging maganda ay hindi kailangan ng pagsang-ayon ng iba. Ito ay nararamdaman at hindi dapat ipilit na makita nila.

Hindi ko layunin na ako’y inyong mahalin. Dahil sapat na sa akin ang walang kondisyong pag-ibig ng aking ina at ng Lumikha sa atin.

Ngunit layunin kong ibahagi ang aking mga sulatin. Samahan niyo ako sa mga pagtuklas ko sa mundong ating ginagalawan, mga kuro-kuro  mula sa mga isyu na gusto kong pakialaman, mga musika na ating pagsasaluhan, at paglalakbay ukol sa patuloy na pagkilala ko sa aking sarili rito sa aking iisang buhay.

 

I don’t want to be defined

Ang pagkakakilala ko sa aking sarili ang higit na mahalaga kaysa sa sasabihin ng iba. Dahil ang iba nakaugalian nang ikahon ang pagkatao ng kapwa niya.

Comments
  1. […] yourself, kindly tag me. Para mas makilala ko din kayo. 🙂 Yana, Ella, Jem, Mico, Katerina, Kathleen, Amae, Elvin, Ate Lisha, Kim, Xious, Melisa, Phen, Gretchen, France, Ate Mia, Tolits, Nico, […]

  2. […] Pinay Unlimited |   Hidden Carte Blanche   |   Gratitude Overdose    |   Poetry, Misery and Liberty   |   Rowjielogy   |   A Tender Unfolding  |   May Forever Wag Kang Bitter […]

  3. Kaye says:

    Isa po akong taga hanga, bb. PINAY. Natutuwa ako sa mga tula niyo. Bagamat isa kayong taong may mataas na intelektual, ay sa wikang Filipino niyo pa din ginagawa ang mga tula niyo. Tukayo po kayo ng bunso kong anak kung Pinay man ang pangalan niyong totoo. Filipina ang pangalan nya. Anyway, mabuhay po kayo. ☺

    Kaye

    • Magandang araw Kaye! Napangiti mo ako nang mabasa ko ang iyong komento.🙂
      Maraming salamat sa mga positibong salita. At gusto kong sabihin na napakaganda ng pangalan ng bunso mong anak.🙂

  4. […] about yourself, kindly tag me. Para mas makilala ko din kayo. :-) Yana, Ella, Jem, Mico, Katerina, Kathleen, Amae, Elvin, Ate Lisha, Kim, Xious, Melisa, Phen, Gretchen, France, Ate Mia, Tolits, Nico, […]

  5. Nathan says:

    Natutuwa akong basahin ang pahayag ng iyong sarili. Masarap sa mata bumasa ng mga ganitong pamamaraan ng pagpapakilala sa sarili. Natutuwa akong nakita kita🙂 Paalam🙂

  6. Kim Z. says:

    Hi Pinay! Filipino din ako. Kung merong nosebleed English, nakanonosebleed naman ang Tagalog mo😀

  7. Hi Pinay,
    Thank you for visiting my humble blog. I unfortunately am not very good at writing in our beautiful language. I grew up elsewhere so I need a dictionary by my side whenever I read it. Still I am grateful you dropped by and hope you enjoyed it. Have a blessed weekend! ~ Mary

  8. Jane Lurie says:

    Hi Pinay- Thank you for following my photography blog, Jane’s Lens. I hope you are inspired!

  9. isang malaking karangalan ang ako ay iyong kilalanin sa pamamagitan ng pagsunod sa aking munting “blog” … nakagigiliw and magbasa sa sariling wika.

    maybe, i should write in Filipino one of these days, it is a beautiful language which i think, we, as Filipinos, should learn to love and embrace. thank you for presenting that challenge to me.

    hanggang sa muli, maraming salamat sa iyo — tita April

  10. When I see young writers using the FIlipino language like this, lalo na yung pagsusulat mo, I’m loving our language all over again. =>

  11. brianitus says:

    Maraming salamat sa pagsubaybay sa aking blog.

  12. aysabaw says:

    Hellooooo! Salamat sa pag follow at pag follow ulit! haha,

  13. Thanks for following my humble blog.🙂

  14. Maraming salamat magandang binibini!

  15. Salamat sa pag follow ng blog kong https://kwadernonikuyakim.wordpress.com/ . Natutuwa ako na magkaroon ng kapwa Pilipinong manunulat sa wordpress reader ko.

  16. Interesting introduction!🙂 Would you rather be “known” than be “defined”?

    Salamat sa pagsunod sa Seekers Portal!😀

  17. Nortehanon says:

    “Ang pagkakakilala ko sa aking sarili ang higit na mahalaga kaysa sa sasabihin ng iba. Dahil ang iba nakaugalian nang ikahon ang pagkatao ng kapwa nya.”>>Maganda itong isinulat mo. Tanging tayo lamang kasi ang nakakakilala sa sarili natin. Kung magpapakahon tayo sa ideya ng iba tungkol sa ating sarili, tayo’y mahuhulma sa maling hulmahan at lalabas na mali ang porma o pagkakagawa. Isa pa, nakapapagod ang pagsunod sa pamantayan ng iba. Sa dulo ng kasusunod natin ay mapagtatanto nating tuluyan na tayong nawalan ng sariling personalidad, tuluyan nang nawala ang ating sarili.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s