Archive for February, 2015

Ang mga salitang namutawi

Kailanma’y di na mababawi

Naisin ko mang balikan

Nang naiwasan ka sanang masaktan

Ay hindi na maaari

Ito’y di na mangyayari

Pagka’t nagdusa na’t naging sawi

Nangyari na ang nangyari

Dulot ng hangal kong puso’t isip

Ngayon ika’y iniisip

Kalimutan mang pilit

Alaala na’y nakaguhit

Sa bawat bahagi ng titik

Ng malungkot na pintig

Ng aking tibukan ng buhay

Na siguro’y tuluyan ko na lamang….. ihihimlay.

 walked-away

 







*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Advertisements

Sa maraming pagkakataon, nababatid ko na marami na sa atin ang nagtanong nang ganito:

Lord, bakit ako?

Lord, puwede bang huwag na lang ako? Hindi ko yata kaya.

Lord, bakit Niyo po ba ako pinagkakatiwalaan ng ganito?

Lord, puwede bang sumuko?

Kahit na anong lakas ng iyong mentalidad, minsan, magagapo ka rin ng pagod at marahil maiisipang sumuko.

Lahat naman tayo napapagod. Lahat tayo maraming layunin sa buhay na pinipilit marating. Lahat tayo ay may kanya-kanyang daang nilalakaran. Lahat tayo, ikaw at ako, nanghihina rin.

Sinasabi ng ilan sa akin, buti pa raw ako “chill” lang. Mukhang di nai-stress. Hindi lang nila alam, palibhasa’y hindi lang kasi ako pala-reklamo. Hehe.

Ang sinasabi ko sa kanila sa tuwina, kanya-kanyang pagdadala kasi yan. Ako kasi mas nanghihina ako kapag naglalaan ako ng maraming enerhiya sa pagrereklamo.

Pero siyempre, tao naman ako. Napapagod. At minsan nagrereklamo rin.

At minsan, nagtatanong kay Lord kung puwede bang sumuko.

Na sinasagot naman Niya ng oo puwede naman. Dahil may kalayaan daw akong mag-isip.

At sinasagot ko naman na, Lord hindi mo po ba ako pipilitin man lang? 🙂

At sasabihin Niya na, hindi na anak kasi alam mo naman sa sarili mo na wala ka na namang ibang choice eh… kung hindi ang magpatuloy. 🙂

Sweet lang ni Lord minsan noh? 🙂

jeremiah_29_11O siya, mag-Jeremiah 29:11 lang tayo kapag lumalabo na ang takbo ng isip.

 


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Blank notepad and pencil

Kung ako’y lilisanin na
Ng kakayahang magpinta
Ng mga salita at istorya
Sa mga gabing kapiling ka
Ng mga alaala ng pag-iisa
O aking sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Kung ako’y tinatakasan na
Ng mga angkop na salita
Ng mga tugma at hiwaga
Ng sanaysay at tula
Ng nobela na malaya
Ngayon pa lang o sinta
Sige, ako’y lisanin mo na.

Ngunit…

Kung ibig mo pang bumalik
O kung magbabago ang isip
Kung ibig mo nang manatili
Sa aki’y humalik
Pawiin ang pangungulimlim
Ang puso ko’y liwanagin
Ang nais ko lang sabihin…

O liyag huwag mo akong lisanin.


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.