Archive for September, 2013

Nakabibingi daw ang ingay ng katahimikan. Parang alas-dose  sa pook ng probinsya. Minsan nakakatakot. Wala kasing ingay, animo’y walang laman na tao sa loob ng baryo.

Katulad din siguro ito ng isip ng tao. Kapag walang laman, mas nabibingi tayo sa katahimikan. Ito’y hindi tulad ng katahimikan na may kapayapaan. Bagkus, ito’y isang uri ng katahimikan na ang sanhi ay payak na katangahan.

Dahil sa takot na marinig ang ingay na ito, naghanap ang tao ng paraan upang maiwasan na ito’y mapakinggan. Ang nakitang paraan? Paggamit ng bibig upang mapagtakpan ang ingay ng saradong isip.

May ilang ganitong tao na rin siguro ang nakasalamuha mo. At malay mo minsan ikaw pala ito. Anong naramdaman mo? Nainis ka siguro. Ganito rin minsan ang naramdaman ng mga nakausap mo.

Akala kasi natin, ang madaldal ay magaling. Hindi lahat ng madaldal ay may saysay. At hindi dahil mas marami kang sinabi ay ikaw na ang tama. E di sana ang dali lang maging hukom, magbibilang ka lang ng salita at mayroon ka ng hatol.

Ngunit ang katotohanan ay malayo sa nakasanayan. Hindi mapagtatakpan ng iyong bibig ang sinasabi ng iyong isip. Kahit na anong lakas ng iyong tinig, higit na maingay pa rin ang katotohanang sarado ang iyong isip.

closed-mind2

 

 

 

 

 

 

Kung may mga tanong po kayo na nais ibahagi, paki-padala lamang sa pinayunlimited@yahoo.com.

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Dear Crush

Posted: September 24, 2013 in Ang Kwento ni Pinay
Tags: , ,

Ang post na ito ay inspired ng topic nitong nakaraang Biyernes sa Mellow 94.7 na #DearCrush. Na tamang-tama kasi Huwebes, bago ang araw na iyun ay tinamaan ako ni kupido. Kaya heto naisipan kong magsulat. Idaan nalang sa pasulat-sulat at pakanta-kanta kapag wala namang pag-asa. 😛

Dear Crush,pen

“Mapapansin mo ba
Kaya ang tulad ko
Kahit nasa sulok lang ng iyong mga mata
Mahuli mo kaya ang pagsulyap sa’yo
Kahit hindi naman ako ang iyong kaharap
Oh chinito
Balang araw ay, malalaman mo rin”

Gusto ko sanang kantahin ito sa’yo kapag nakita ulit kita, kaya lang baka mabadtrip ka lang sa boses ko. Haha.

Nakakatawa. Para akong grade five muli nang makita kita. Grade five kasi nang unang beses ako nagka-crush sa lalaking may hiwa lang ng blade ang mata.

Aaminin ko sa’yo chinito, na bago kita nakita pinaglalaruan ko pa ang pangalan at apelyido mo. Paano ba naman kasi napaka-possessive ng surname mo. Chinito Kho. Haha. At ngayon nga nang makita na kita, para ba akong na-possess na sa’yo. At bagay pala ang apelyido mo sa’yo. Ang sarap bigkasin. Para kang akin. Haha.

Naaalala mo ba yung oras nang una mong binigkas ang pangalan ko? Ang una at tanging pagkakataon na binigkas mo ang pangalan ko. Ang ganda ng tinig mo. Tapos parang pelikula nang lumingon ako. Pero di tulad doon na OA ang slow motion. Yung sa akin real time. At paglingon ko, OMG. Subconsciously tumigil ang paghinga ko para ma-absorb ng isip ko ang buong kagwapuhan mo.

I tried to look and act normal. But it was a struggle. To tell you the truth.

Dumating ka. At nasilayan ko ang mukha mo. Isang segundo lang pala ng pagsulyap sa iyo ang kinakailangan ko para gumising ang inaantok kong isip sa  araw na iyun. Para kang bawal na gamot, na-high talaga ako. O parang instant noodles, instant ang pagkabusog ng mata ko. O minions, effortless ang pagpapangiti mo.

Pagpasensyahan mo na kung may pagkakataon ng gabing iyun matapos ang ating maikling pagtatagpo, na nabilaukan ka. Kasi kahit anong pagpapalayas ko sa’yo sa isipan ko, nagpapabaik-balik ka pa rin. Inom ka nalang ng tubig, matatapos din itong kahibangan ko.

Pero alam mo, realistic naman akong tao. Masyado kang gwapo para sa akin. Kaya ayaw kitang maging boyfriend. Pero don’t be hurt okay? There’s nothing wrong with you. You know… it’s not you, it’s me (wow). Haha.

Bueno ayaw ko nang pahabain pa itong sulat na ito. Dahil ayoko namang mahulog ka pa sa akin. Hindi kasi kita kayang saluhin. Masyadong sulido ang matipuno mong katawan. Kaya ayaw kitang masaktan.

Kaya kung magkikita tayong muli, huwag ka sanang maiilang ha. Alam mo propesyonal ito. Kaya kaya kitang pakiharapan. Basta huwag mo lang akong ngingitian….. chinito.

tumblr_m8hojfZOjp1rzycvpo1_500

Ang Grade Five Muli,

Kath

 

 

 

 

*I do not claim to own the rights to any of the posted images unless otherwise noted.  All rights belong to its rightful owner.

Humaharap tayo araw-araw sa iba’t-ibang klase ng mga tanong. Marahil sa dami ng tanong na kailangang sagutin, kaya nagiging ganito na ang sagot ng iba sa atin.

Tunghayan ang mga tanong na may mga malayong sagot:

Tanong: Kumain ka na ba?
Sagot: Busog pa ako

Tanong: Nasaan ka na?
Sagot: On the way na ako

Tanong: Ilang taon ka na ba?
Sagot: Bata pa ako

Tanong: Saan mo nabili yan?
Sagot: Doon lang

Tanong: May assignment ka na?
Sagot: Pa-kopya na lang

Tanong: May papel ka pa?
Sagot: Humingi lang ako

Tanong: Maganda ba?
Sagot: Okay lang

Tanong: Nasaan po si Juan?
Sagot: Umalis na

Tanong: Kilala ba kita?
Sagot: Hindi mo na ba ako natatandaan? (lol)

Tanong: Magkano ba ang bili mo dyan?
Sagot: Mahal ‘to

Tanong: Nandyan ba nanay mo?
Sagot: Bakit po?

Tanong: Ano oras klase mo?
Sagot: Mamaya

Tanong: Saan kayo galing?
Sagot: Lumabas lang kami.

Tanong: Bakit wala ka kahapon?
Sagot: Absent ako

Tanong: Panu mo ginawa yan?
Sagot: Madali lang

Tanong: Tulog ka na?
Sagot: Oo.

 

Ganito ka rin sumagot minsan noh? 🙂

 

question_mark_cartoon_character

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.