Archive for May, 2014

Tula Para Kay Angela

Posted: May 30, 2014 in Tula
Tags:

Ibubulong ko sa hangin

Damhin ng malalim

Sayo’y sasabihin

Maganda ka rin.

 

Lalanguyin ang dagat

Isisigaw sa lahat

Angkin mong lupit

Ika’y dapat sumikat.

 

Aakyatin ang bundok

Lalakarin pasikot-sikot

Makakarating sa tuktok

Dahil ika’y maluloklok.

 

Pangalan mo’y Angela

Sinag sa mga kakilala

Ika’y higit sa inaakala

Babaeng ang galing ay walang duda.

 

Larawan nakuha mula sa FB nya :-)

Si Angela 🙂

 

 

 

 

 

 

 

 

 

PS:

Ang tula na ito ay para sa aking mahal na kaibigan na si Angela Gamo bilang regalo sa kanyang kaarawan ngayong araw na ito mismo.

Nais ko rin iparating ang aking pasasalamat sa kanya sa paglikha ng bagong logo ni Pinay Unlimited na syang aking pinalitan ngayong araw na rin na ito.

Mabuhay ka kaibigan!:-D

Advertisements

Hindi ko hiniling na ika’y dumating

Sapilitan nang ako’y sinuotan ng piring

Kay dilim, o dilim, bakit dinulutan ng dilim?

Huwag magtaka kung tingin sayo’’y puro lihim.

 

Sa likod ng laro, ng ngit at ng kwento

Maririnig mo ang bulong na sigaw ng totoo

Hindi ako kahapon isinilang sa mundo

Huwag kalimutang ako’y di tanga o bobo.

 

Inalok mo ako ng mga salita ng hunyango

Aking winaksi dahil kinabukasa’y malabo

Ipagpatawad mo ngunit ika’y mabibigo

Dahil ang tulad mo’y di pa ganap na ginoo.

 

Kaya ika’y kumaway habang papalayo

Dulot ng katotohanang nagpasakit sa ‘yong puso

Anong karapatan mo na sa aki’y magtampo

Gayong sinandalan ko lamang mga katotohanang nakita ko.

 

Hindi ko hiniling na ika’y dumating

Sapilitan nang ako’y sinuotan ng piring

Kay dilim, o dilim, bakit dinulutan ng dilim?

Huwag magtaka kung batid ko na ang iyong lihim.

blindfolded

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

when i grow up I want to be fat

 

Bukod sa pamilya, ang isa pang importanteng aspeto ng ating buhay na madalas nating makaligtaan ay ang- KALUSUGAN.

Tama, ganun ka-drama ang paghahambing doon. 😉

Sa rami ng nangyayari sa ating buhay, hindi na natin nabibigyan ng sapat na atensyon ang kalusugan. Lalo na kung napakaraming iniisip at alalahanin sa araw-araw. Kaya syempre, inihuhuli na natin ang usaping pangkalusugan sa mga pagtutuunan natin ng atensyon.

Mula pa man noon, payatot na ako. Hindi talaga ako tabain mula pa pagkabata. Patpatin kung ituring. At kung magkakalaman man, mabilis din na bumabalik sa orihinal na pagiging payat. Kaya akala ko noon, isang pangarap nalang ang magkalaman. Para sa akin, tila imposible na ang tumaba.

Nakakalungkot, dahil sa araw-araw na pagtingin ko sa salamin, naiirita ako sa payatot na nasa aking harapan. Hindi mo malaman kung malnourish o ano.

Kaya naman, nang matapos ang board exam ng aking kapatid noong Oktubre ng nakaraang taon, nasabi ko sa katawan ko na, “okay, bibigyan na kita ng atensyon at halaga ngayon.”

Tapos sabi lang ng katawan ko, “k.” (Hahaha loko lang).

Binigyan ko ng anim na buwan ang aking sarili bago husgahan kung nakamit ko ba ang aking mithiin. At ang resulta matapos ang anim na buwan? (Dito may mga larawan)

Sa wakas, tumaba rin ako ng hindi panandalian! At nitong nagkalaman nga ako, masasabi kong I feel more alive. O baka naman dahil na rin sa katotohanang nabawasan na ang mga alalahanin sa buhay. Basta, I just feel better about myself now.

Mas mainam na ang pakiramdam ko kasi iba pa rin na malusog ka sa pisikal na aspeto. Pinilit ko na hindi na kaligtaan ang kumain. Dahil minsan, tamad ako kumain. At syempre, tigilan na ang sobrang kuripot dahil tapos na naman ako ng pag-aaral at hindi na kailangan pang ilaan ang baon sa gastusin sa eskwelahan.

Ngunit hindi ko naman layunin na suportahan ang obesity. Ang sa akin lang, whatever it is that works for you, GO GO GO! Kung pagpapataba man yan o pagpapapayat.

Gawin mo ito hindi para sa mata ng mga tao, bagkus dahil mahal mo ang sarili mo.

Kapag may nagsasabi nga sa akin na “Uy Kath ang taba mo na!”

Sinasagot ko naman ng “Oo, at pinaghirapan ko yan! Haha.”

Yung iba parang may masamang intensyon na ako’y pikunin, pero hindi naman sila nagiging matagumpay sa pang-iinis. Dahil totoo naman na niyayakap ko at tinatanggap ang pagdagdag ng timbang. Ngunit naisip ko, masama ba talaga sa pamantayan ng lipunan ang maging mataba?

Naisip ko lang naman.

At kung sakaling concern nga talaga sila, huwag silang mag-alala. Dahil sa isa sa mga susunod na blog post ko, tatalakayin ko naman ang tungkol sa pag-eehersisyo. 😉

Sa huli, napatunayan ko na may mga pangarap talaga na natutupad. Yey! Hindi na ako mukhang malnourish! Hahaha.

 

 

I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.