Archive for April, 2014

Woman in the Wind

Waring ibinubulong ng hangin ang nakaligtaang mga hangarin.

Sampu ng araw at ng kaulapan, nagkakaisa ang lahat upang pukawin ang aking nahihimbing na katinuan. Tila ba hindi ko na magagawang matakasan pa. Ako’y hinahabol nila at naroroon saan man ako magpunta.

Maaari bang ihain ko ang aking kaso sa korte ng sangkatauhan? Dinggin nyo mga ebidensya ko nang maliwanagan ang inyong isipan.

Ang aking argyumento: hindi ako sapat o nararapat. Ang inyong nais ay hindi ko kaya. Ang inyong ekspektasyon ay nakakalula. Sa huli ako ay isa na lamang na katawa-tawa.

Sabi ng ilan, ako raw ay may husay. Ngunit sa daan mas maraming mararamot na nakahandusay. Maramot sa pang-unawa, sa pagtuturo at sa pagkilala. Lahat sila nakakalat na animo’y mga basura. Mga nabubulok na basura. Tulad ng pag-iisip nila.

May isang tumuran na ang sabi lumaban ka. Ngunit naibigay ko na halos ang lahat. Ang kulang na lamang ay aking hininga. Kay rami nang bakas ng laban sa buo kong katauhan. Hindi na yata matatapos pa ang mga digmaan. Pagal na ang aking katawa’t isipan. Wala na yatang lugar ang salitang kapayapaan.

May sumigaw sa akin, bumangon ka! Sana’y malaman mo na hindi ito ang unang pagkakataon na sumubsob ako. Tila tahanan ko na nga ang malawak na lupa. Kapiling nya lagi ang aking mga luha. Kung sa bawat paghakbang ko ay may tumatalisod sa paa ko, mangyayari pa bang magpapatuloy ako? O kay sakit na. Hindi ko na yata kaya. Bakit pa kailangang bumangon, kung pagkatao ko nama’y patuloy lamang nilang ibinabaon?

Lumapit pa ang hangin… at tila dahan-dahang pinulupot ang sarili sa akin. Tila ba niyayakap ako nito. Na waring sinasabi na nakita nya ang mga pangyayari. Saksi sya. Ngunit walang panghuhusga. Ang dampi nito  sa akin ay tila nagsasabing….

Alalahanin mo ang mga mithiin at pilitin itong tahakin.

Sampu ng araw at ng kaulapan, nagkakaisa ang lahat upang pukawin ang aking nahihimbing na katinuan. Tila ba hindi ko na magagawang matakasan pa. Ako’y hinahabol nila at naroroon saan man ako magpunta.

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Panahon na naman ng tag-init. Marami na namang tao ang nakakunot ang noo. Umiiyak na naman ang kili-kili ko (lol). Or should I say humahagulgol. Hahaha. Kaya naman napakagandang ideya ngayon ang pumunta sa beach at maglunoy sa tubig.

Kung affordability ang numero uno sa listahan mo, pwes magpatuloy ka sa pagbabasa nito. Dahil kikilalanin natin ang isang beach resort sa Tanza Cavite- ang Villa Excellance Resort.

1

Welcome to Villa Excellance!

May mga kakilala ako na nagsabing maganda raw umano ang lugar. Lalo na’t napakalapit lamang nito sa Metro Manila. Isang oras mahigit lamang ang inabot ng aming biyahe mula sa San Juan City na dumaan sa Cavitex. Mga 11:00PM kami nakarating sa resort.

Ito ang mga rates:

Beach Entrance

  • Mondays to Fridays
    Day – Php 40
    Overnight – Php 50
  • Saturday, Sundays & Holidays
    Day – Php 50
    Overnight – Php 60

Pool Entrance

  • Adult
    Day – Php 60
    Overnight – Php 70
  • Kids
    Day – Php 50
    Overnight – Php 60

Resort Facilities -12 Hrs Rent

  • Picnic Table with Shade – Php 200(day), 250(night)
  • Tent with 1 Table – Php 500
  • Kubo Open – Php 700
  • Tent Pool Side – Php 1,200
  • Round Pavilion(RP) – Php 1,200 (ito kinuha namin)
  • Function Hall – Php 10,000
  • Bahay Kubo – Php 1,200
  • Cottage Aircon – Php 1,800
  • Apartelle Aircon- Php 4,500
  • Videoke Rental- Php 1500 (ay ito hindi mawawala)
  • Camping Tent- Php 700
2

This is the “Picnic Table with Shade”

Malawak ang lugar at maayos ang layout ng resort. Hili-hilera ang maraming Picnic table with shade. Sa likod ng nakahilerang Round Pavilion ay nandoon ang nakahilera ring Tent. Basta puro hilera. 🙂 Maayos naman tingnan.

Ang isa pang mainam na bagay sa beach na ito ay ang malawak na parking lot. Sa tabi ng Round Pavilion ay nagawa pa nga naming mai-park ang sasakyan na dala. At malapit dito ay nandoon mismo ang ihawan. Sa tapat ng RP ay doon sinet-up ang inarkilang videoke pati na rin ang lamesa at upuan na hiniram.

3

May nakita ba kayong alak? Tama, allowed sa resort na ito ang uminom at mag-ingay (thru videoke). Basta huwag lang daw mag-aaway. 🙂 May tindahan din dito na bukas at nagbebenta ng halos lahat ng maaari mong kailanganin.

At dahil beach resort ito, kamustahin natin ang tubig.

4

I love being one with water 🙂

5

Kunyari model. Hahaha.

Madaling araw nakunan ang mga larawan na ito. At dahil masyadong madilim pa ay hinintay na lamang namin ang lumiwanag bago maligo sa dagat. Lalo na’t hindi naman ako marunong lumangoy.

Dumating ang liwanag… ngunit sa kasawiang palad, sampung minuto lamang ako nagkapaglunoy sa tubig. Marami kasi akong nakitang dikya/salabay/jellyfish. Isang dekada ang nakararaan nang masalabay ako sa Palawan. Ang masasabi ko lang ay- OUCH. Haha. Kaya naman, ayoko na.

Ngunit napag-alaman ko naman na hindi kasing delikado ng puting salabay na naranasan ko sa Palawan ang itim na nakita ko sa Villa Excellance. At sinabi rin ng mga tao doon na sa ibang panahon daw ay hindi naman makati ang tubig sa dagat.

Gayunpaman, nawalan na ako ng gana sa uneasiness na naramdaman ko, kaya naman umahon na ako at nagbanlaw.

Nagbalik videoke na lamang ako matapos nito upang palipasin ang oras.

6

Tapos nagsulat.

At natulog sa isa sa mga lamesa na nandoon. Dahil puro ako gising, at wala pang tulog. 😉

Pagkatapos ay naglibot-libot.

7

8

Nanguha ng shells 😀

9

Ang lambat sa likod ay gamit sa pagkuha ng mga dikya

10

Basta sa likod nyan, maraming dikya

11

Ayun lang, babush 😀