Posts Tagged ‘Huwag magtampo’

Hindi ko hiniling na ika’y dumating

Sapilitan nang ako’y sinuotan ng piring

Kay dilim, o dilim, bakit dinulutan ng dilim?

Huwag magtaka kung tingin sayo’y puro lihim.

Sa likod ng laro, ng ngit at ng kuwento

Maririnig mo ang bulong na sigaw ng totoo

Hindi ako kahapon isinilang sa mundo

Huwag kalimutang ako’y ‘di tanga o bobo.

Inalok mo ako ng mga salita ng hunyango

Aking winaksi dahil kinabukasa’y malabo

Ipagpatawad mo ngunit ika’y mabibigo

Dahil ang tulad mo’y ‘di pa ganap na ginoo.

Kaya ika’y kumaway habang papalayo

Dulot ng katotohanang nagpasakit sa ‘yong puso

Anong karapatan mo na sa aki’y magtampo

Gayong sinandalan ko lamang mga katotohanang nakita ko.

Hindi ko hiniling na ika’y dumating

Sapilitan nang ako’y sinuotan ng piring

Kay dilim, o dilim, bakit dinulutan ng dilim?

Huwag magtaka kung batid ko na ang iyong lihim.

blindfolded

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.