Mga Ispokening Dollar na Iginupo ng Kababawan

Posted: November 23, 2015 in Tao Po
Tags: , , , , , , ,

Mula pa naman noon, ang tao ay kinakahon na. Minamaliit, pinapaliit at nilalagyan ng depinisyon. Ito ka. Ganito ka. Ito lang ang alam mo. Hanggang diyan ka na lang.

Sa buhay, maaari kang makasalamuha ng dalawang uri ng tao: una ay ang mga taong makatao at ang ikalawa ay ang mga tagawasak ng pagkatao.

Ang huli ay yaong mga tao na nangmamaliit ng kanilang kapwa, sa salita o sa isipan man. Ang kanilang biktima ay ang mga taong “hindi umano nila katulad.” Ang madalas nga na biktima nila ay ang mga taong hindi marunong mag-ingles. Ang pakahulugan ng mga tagawasak ng pagkatao sa ganito ay bobo o tanga. Ngunit sa paanong paraan naging pamantayan ang pagkaalam sa Ingles ay pagiging matalino na?

Nakababahala ang mga ganitong tao na iginupo ng kababawan at kahangalan.

Hindi nakatutulong ang dami ng bokabularyo sa Ingles sa pagpapaputi ng budhi. Kaya sa susunod na husgahan niyo ang mga taong hindi marunong mag-ingles o hindi madalas gamitin ang wikang ito o hindi tama ang pagkakagamit dito- ay kumuha kayo ng Zonrox at ibuhos niyo sa mga budhi niyo!

Kaya nadaragdagan ang mga taong nawawalan ng tiwala sa sarili, dahil sa kahangalan niyo. Ang sarap pagsasampalin ng Tide Bar (free ad na naman, libreng 1 year supply naman diyan ng Zonrox at Tide o hahaha).spokening dollar

 

 

 

 

 


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

 

 

 

Comments
  1. aysabaw says:

    huiii. kamustaahaaa.

  2. Doctor Eamer says:

    Well said Mam😉 Namiss ko ang article mo.hehe Hindi ka din pala sumali this SBA.hehe Hahabol ako doon sa konseptong papel.hehe

  3. JAP says:

    uy namiss ko ang akda mo!🙂 chill lang.. hayy..nakakalungkot man.. pero marami talagang makikitid ang utak at mapanghusga.:/

  4. aysabaw says:

    ayoko na nga magpost ng English…kakapost ko lang kahapon eh😛 he he…easy….

    • Hahahaha hindi naman ako against the English language. Ayoko lang yung mga makaastang akala mo bobo ang kapwa kug di kasing galing nila. Takte yan, kung makikipag-usap sa ‘kin ng Filipino paduguin ko ilong niyan. Haha. (kalmado ako sa lagay na ito)😛

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s