May Bunga Ba?

Posted: July 24, 2021 in Ang Kwento ni Pinay

Ang daming luha, puyat, at sakit ang inabot ko sa nakalipas na isang taon.  Minsan hindi ko na maintindihan kung may patutunguhan ba talaga ang mga ginagawa ko. Minsan hindi ko na rin makita kung may mga bunga ba. At kung meron man, sapat ba?

Napakataas lagi ng ekspektasyon ko sa sarili dahil maraming dapat alamin at ayusin. Pakiramdam ko laging hindi sapat ang mga ginagawa ko. Hindi ako nakokontento.

Isama pa ang problema sa sistema ng mundong kinabibilangan ko. Na kahit malinaw naman ang tama ay siyang pikit-matang hindi sinusunod ng nakatataas.

Wala akong tinig. Wala akong posisyon. Wala akong kapangyarihan.

Sinubukan kong magsalita, pero hindi nila pinipiling pakinggan.

Batid ko na napakarami ko pang pagdadaanan sa mundong pinasok ko.

Pero nung nakaraang linggo, naipaalala sa akin na munti man ay meron palang bunga ang mga lihim na sakripisyo na ginawa ko para sa mga ipinagkatiwala sa akin.

Hindi nila alam kung gaano kahalaga ng mga salitang sinabi nila. Para nila akong pinainom ng vitamins, muling nagkabuhay ang aking kaluluwa.

Hindi ko alam kung hanggang saan ko ito kakayanin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang sistema. Hindi ko alam kung hanggang saan kakayanin ng katawan at isipan ko. Hindi ko rin maipapangako sa sarili ko na mananatili ako rito habambuhay. Pero habang nandito ako, gagawin ko ang makakaya ko.

Huwag kayong manghihinayang putulin ang pakikipag-ugnayan sa mga taong wala nang mabuting dulot sa inyo kundi toxicity na lang. Hindi immaturity ang tawag diyan. Ang tawag diyan “respeto sa sariling buhay.”

May panahon para magtiis. Ngunit may panahon din para umalis. Kung sa paglipas ng panahon, hindi na talaga bumuti ang pagsasama: sa kasintahan man ‘yan, asawa, kaibigan, o kapamilya, dapat matutunan mo nang pumili kung ano nga ba ang pinakamagbibigay sa iyo ng kapayapaan. Dahil ang kapayapaan ang siyang pinakamahalagang bagay sa buhay.

Kung sa tingin mo wala nang pag-asa, bitawan mo na. Dahil ang mga toxic na tao ay lason lang sa buhay. Sa katunayan, miserable ang buhay nila kaya naman gusto rin nilang gawing miserable ang buhay ng iba. At magiging miserable rin talaga ang buhay mo kung mananatili ka sa buhay nila.

Heto ang ilan sa signs ng toxic na tao:

  • Pity-plays, sympathy stories, and victim stories – Sa istorya niya, siya lagi ang kawawa. Kahit gawan nang mabuti, hindi niya nakikita. Sa istorya niya, siya lagi ang bida, at ang halos lahat ng tao sa buhay niya ay “masama.” Masama ang: ina niya, asawa niya, mga kapatid niya, mga kaibigan, kakilala, at iba pa. Never siya naging masama sa istorya niya. At may bonus pa, maaari ka ring ma-feature lagi sa social media accounts niya ng mga victim stories niya.

 

  • Self-centeredness – Gusto ng toxic person na mag-adjust sa kanya ang mga tao sa paligid niya dahil feeling niya sa kanya umiikot ang mundo. Kapag gumawa ka ng bagay na taliwas sa nais niya, sasama ang loob. Akala niya nabuhay ang mga tao upang i-please siya. May inflexible personality siya at hindi niya nakikita ang masasamang ginagawa niya sa kapwa. Iju-justify niya pa ang kagaspangan ng asal niya. Para sa kanya, ang mga tao ay dapat umayon sa limitadong pag-iisip niya. Kung hindi, humanda ka sa sumbat at drama. S/he also has an illusion of her/his sense of self. Kaya nga ang isa sa pinakatoxic na tao ay ang tinatawag na narcissist people.

 

  • Has a need to be right – Akala niya may monopolyo siya ng pagiging tama. Kung umasta siya, akala mo lahat ng bagay alam na niya. Napakayabang magsalita kahit sa kanyang limitadong karanasan at kaalaman. Napakahilig magmagaling ngunit hindi marunong making. Magagalit kapag kino-correct. At kahit gamitan mo ng facts o knowledge-based discussion, hindi uubra. Very exhausting kapag kausap mo. Dahil nakapapagod naman talagang makipag-usap sa taong laging feeling tama.

 

  • Overly defensive –Paborito niyang protektahan ang negativity, drama, at toxicity niya, kaya madalas mong makikita ang defensiveness niya. Palibhasa, takot siyang nae-expose ang katotohanan ng ugali niya kaya gagawin niya ang lahat para ibaling ang isyu at sisi sa iba. Inililihis niya lagi ang isyu para pumabor sa kanya. Tandaan: iba lagi ang may kasalanan. Hindi siya. So s/he rather spends more time justifying her/his bad behavior than improving it. Dagdag pa rito, hilig niya rin gamitin ang nakaraan para ikulong ka at paulit-ulit gagamitin ito bilang weapon upang kontrolin ka.

 

  • Sinungaling – Paborito niya ring i-manipulate ang istorya para pumabor sa kanya. Sa galing niya mag-manipulate ng istorya, kahit siya pinaniniwalaan na niya ang mga sariling kasinungalingan niya. But when you do counter checking, may inconsistencies kang makikita. May ilusyon kasi siya ng “sarili” niya. Kaya gagawa siya nang paraan upang lumabas lagi na tama o inaapi siya. At ang mga tao sa paligid niya ang pinapalabas niya na laging mali at masasamang nilalang. At kapag hindi ka na niya makontrol, kokontrolin niya na lang kung paano ka makikita ng ibang tao. Kaya hilig niyang mag-victim stories sa social media.

 

  • Mean disposition – Bisyo niya ang manlait o tingnan lagi ang masama sa kapwa. At dahil nga may ilusyon siya ng sarili niya, itinataas niya lagi ang sarili sa pedestal. Itinatago niya ang insecurity niya sa pag-iisip nang masama tungkol sa kapwa. Kaya hilig niyang i-label ang mga ito na “insecure” daw sa kanya o “hater” daw niya. Pero ang totoo, prino-project niya lang ang sarili niya.

 

  • Backstabbing – Lahat ng mali sa mata niya, sinisiraan niya sa ibang tao o sa social media. Ina man niya, asawa niya, mga kapatid niya, mother-in-law niya, mga kaibigan niya, mga pinsan, mga kakilala, atbp.- wala siyang sinasanto. Ngingitian ka niya kapag kaharap mo siya, ngunit sasaksakin ka pagkatapos. Itsitsismis ka niya sa ibang tao at ikukuwento pati ang mga pinagkatiwala mong kuwento. Plastic, ‘ika nga.

 

  • Guilt-tripping – A toxic person will always blame you for everything. S/he’ll even use threat (“magpapakamatay ako”) to make you feel guilty. Ipinapaako niya lagi sa iba ang lahat ng mali sa buhay niya. A toxic person doesn’t like taking responsibility of her/his own life. Ang hilig niya isisi sa iba ang kamiserablehan ng buhay niya. At hindi ka rin makawawala sa istorya niya na puno ng pagtali sa nakaraan. Lagi lang siyang naghihintay ng pagkakataon kung kailan niya gagamitin ang mga ito upang makontrol o maibaon ka. At kung hinahanap mo kung saan napunta ang mabubuti mong ginawa sa kanya, kalimutan mo na. Masasama lang ang binibilang niya.

 

Kung sakaling natagpuan mo ang sarili mo na may kasamang ganitong klaseng nilalang, pag-isipan mong maigi. May mga tao na deserving pagtiyagaan. ‘Yun ‘yung mga taong willing gawin ang part niya upang maging mabuti ang pagkatao niya. Ito rin ‘yung mga taong handang mag-take responsibility sa sariling mga kamalian, desisyon, at kilos niya sa buhay at hindi puro sisi sa iba.

Ngunit may mga tao rin na hindi na talaga deserving pang pagtiyagaan.

Kaya kung sakaling natagpuan mo ang sarili mo na may kasamang ganitong klaseng tao, huwag kang matakot alisin ang mga toxic na ito sa buhay mo. Napakaikli ng buhay upang pillin ang stress, anger, at misery. Tandaan mo na sa kahit na anong punto ng buhay mo, may kalayaang kang pillin ang para sa ikapapayapa ng kalooban mo.

 

PS:

Blocking toxic people in social media and in real life isn’t a sign of immaturity. Removing toxic people is actually a form of self-care. You will never truly experience peacefulness if you allow toxic people to disrespect and feed you with their negativity.