Archive for the ‘Reblogged’ Category

Nahihimbing na Katinuan

Posted: March 10, 2015 in Reblogged

Para sa mga nangangarap, hinahanap ang pangarap at nawasak ang pangarap… alalahanin mo ang mga mithiin at pilitin itong tahakin. Reblog muna mga pinoy at pinay! 🙂

Pinay

Woman in the Wind

Waring ibinubulong ng hangin ang nakaligtaang mga hangarin.

Sampu ng araw at ng kaulapan, nagkakaisa ang lahat upang pukawin ang aking nahihimbing na katinuan. Tila ba hindi ko na magagawang matakasan pa. Ako’y hinahabol nila at naroroon saan man ako magpunta.

Maaari bang ihain ko ang aking kaso sa korte ng sangkatauhan? Dinggin nyo mga ebidensya ko nang maliwanagan ang inyong isipan.

Ang aking argyumento: hindi ako sapat o nararapat. Ang inyong nais ay hindi ko kaya. Ang inyong ekspektasyon ay nakakalula. Sa huli ako ay isa na lamang na katawa-tawa.

Sabi ng ilan, ako raw ay may husay. Ngunit sa daan mas maraming mararamot na nakahandusay. Maramot sa pang-unawa, sa pagtuturo at sa pagkilala. Lahat sila nakakalat na animo’y mga basura. Mga nabubulok na basura. Tulad ng pag-iisip nila.

May isang tumuran na ang sabi lumaban ka. Ngunit naibigay ko na halos ang lahat. Ang kulang…

View original post 203 more words

Agosto na! Ibig sabihin buwan na muli ng wikang pambansa! 😀 Reblog muna tayo mga pinoy mga pinay. 😉

Pinay

1

Best in Filipino? Anyone? Ay teka teka, dapat Filipino pala muna ang gamitin ko.

Okay take 2.

Pinakatampok sa Filipino? Meron ba? Dahil Agosto na kung kailan ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, sukatin natin ang inyong galing sa Wikang Filipino.

Maalam ka ba sa Filipino? O isa kang banyaga sa sariling wika mo? Alamin sa pamamagitan ng pagsusulit na hinanda ko. Dapat mong isalin sa sariling wika ang mga salitang Ingles sa ibaba.

Bago simulan, kumuha ka muna ng panulat at papel.

Mga Dapat Tandaan:

1. Huwag tingnan ang sagot sa ibaba habang ginagawa ang pagsusulit. Dinadaya mo, hindi ako, bagkus ang sarili mo.

2. Kapag hindi alam ang sagot, huwag magtanong sa katabi. Lalo na kung wala ka namang katabi (katakot haha).

3.Huwag din humingi ng tulong sa FB at Twitter. At huwag mo ring i-google.

4. Sagutin sa lalong madaling panahon. Kung hindi…

View original post 278 more words