Archive for the ‘Pusang-gala’ Category

Matagal-tagal na rin nang huli akong makapanood ng concert. Ang huli ay noon pang ika-19 ng Pebrero taong 2011, sa Speak Now World Tour ni Taylor Swift. At matapos ang tatlong taon? Nakapanood muli ako! At ang singer ay si TAYLOR SWIFT pa rin! 😀

Twice-na-at-Taylor-Swift's-Concert

Seeing Taylor Swift for the SECOND TIME!

Buhay pa sa alaala ko ang unang concert nya dito sa Pinas sa Araneta Colisuem. Wala pa akong napuntahan na ganoon ka-loud and wild na audience. Can’t blame them. Dahil nang gabi na iyun, naging willing rin ako i-sacrifice ang boses ko and won’t mind kung mapaos. Kakaiba ang energy. At nang lumabas ang anino niya sa stage curtain hindi ko inakala na may ilalakas pa pala ang volume ng sigaw namin. Nakakawindang. Ang saya!

Kaya naman, gayun na lamang ang excitement ko nang ibalita nitong Pebrero 13 na magkakaroon muli ng concert si Taylor dito sa Pinas! Hindi na ako makapaghintay pa na makabili ng ticket agad-agad. Kaya lamang, noong Marso 7, na-sold out ang tickets in less than two hours! Na hindi ko matanggap dahil 10:10AM nakapila na ako sa SM San Lazaro at may halos 30 katao lamang ang nasa aking harapan. Napakabagal kasi ng staff na nandoon. 😦

Sa jeep pa lang, gusto ko nang umiyak. At nang makarating ako sa opisina, doon na tuluyang lumabas ang mga nagpipigil na luha. Dalawang beses pa lamang ako umiiyak ngayong taon, at ang isa doon ay dahil naubusan ako ng ticket sa concert ng isa sa mga hinahangaan kong tao.

Ngunit, mabait sa akin ang tadhana, nakarating sa boss ko na hindi ako nakabili. At nagtapos ang araw na iyun sa magandang balita- na may kakilala ang boss ko at doon maaari akong makakuha ng ticket. Grabe. Ang bait ni ma’am! 🙂

At sumapit na nga ang Hunyo 6.

Ang pinakahihintay kong araw.

Sa SM Mall of Asia.

At dahil ito ay may pamagat na Red Tour, nakaisip ako ng brilliant idea na RED ang suotin sa concert  niya. Hahaha.

Red-Shoes.-Red-blouse.

Red Shoes. Red blouse.

Moving on sa aking brilliant idea…

Sa simula ng concert, muli lumabas ang anino ni Taylor Swift sa stage curtain. Tili kung tili. Sigaw kung sigaw. At kahit pangalawang beses ko nang nakakapunta sa concert nya, parang sasabog pa rin ang dibdib ko sa saya. Seeing one of the women you look up to is priceless. Kahit pa nasa Gen Ad pa rin ako. 🙂

My-view-from-Gen-Ad-Row--A

My view from Gen Ad Row A

Ito ay Red Tour Concert, kaya karamihan sa mga inawit nya ay mula sa 2012 Red Album niya. Una niyang inawit ang State of Grace. Matapos nito ibinigay niya ang sumbrero  sa fan na nasa malapit sa stage at sinabi ang unang Filipino words niya sa gabi: Maraming salamat po! Na sinuklian ng audience ng hiyawan at tilian.

Sunod na inawit nya ay Holy Ground. Second number pa lang pero parang mauubusan na ako ng boses. Dahil kung hindi ako sumasabay sa kanta ay humihiyaw naman ako. Haha. Pero keri lang.

Matapos nito ay nagsalita muli siya gamit ang ating lenggwahe: “Magandang gabi po! Mabuhay!” Na nagpawindang lalo sa crowd. Lalo na napaka-cute ng pagkakasabi nya ng “Mabuhay!” Haha.

Wika pa niya: This is my second time playing a show in Manila… I think I’m seeing some familiar faces out in the crowd. Are there some people here who saw my last show that we did in Manila? At kung maka-YEEEEES naman ako ay parang aabot kay Taylor ang sagot ko. I even raise my hand as if makikita niya. Haha!

Matapos nito, kinanta nya ang Red na base kay Taylor, “If I have to choose one color to represent all of these emotions that go into falling in love and having your heart broken… the color that I will choose Manila will be bright, burning RED!”

Sunod na kinanta nya ay ang awitin na tumatalakay sa buhay ng pagiging sikat na celebrity- The Lucky One. At matapos nito ay ang awitin naman na tungkol sa mga haters o bad creatures na kasama natin sa mundo- MEAN. (Kung maka-capital letters ako parang may pinaghuhugutan haha!)

Nang bumalik siya sa back stage para muling magpalit ng costume, ipinakita ang AVP ng journey ni Taylor sa pag-awit mula pagkabata. At matapos ang ika-22 na clip ay tinugtog ang awitin na  22.  Na magiliw naming sinabayan (sing-along party kasi ito). 😀

Red-top-with-“Manila”-print

Red top with “Manila” print

Sinundan ito ng kantang Fearless gamit ang kanyang gitara. Taylor wrote this song when she’s not dating anyone. According to her, this is her ideal kind of date.

Ang ika-walo niyang inawit ay acoustic version ng isa sa mga pinakasikat niya na kanta- You Belong With Me. Na sinundan ng opening song niya noong 2011 concert- Sparks Fly. Matapos nito ay I Knew You Were Trouble naman na napakaganda ng production number.

Taylor Swift singing I Knew You Were Trouble

Taylor Swift singing I Knew You Were Trouble

At ang isa sa mga pinakahinihintay kong i-perform niya ay dumating din- ang All Too Well.Puno ng emosyon ang awitin na ito. Ang mga paborito kong linya ay:

Hey you called me up again just to break me like a promise
So casually cruel in the name of being honest
I’m a crumbled up piece of paper lying here
Cause I remember it all all all too well

Matapos ang makabagdamdamin na performance ni Taylor sa harap ng piano ay inawit naman niya ang isa rin sa mga sobrang sumikat niya na kanta- Love Story.

At lumabas na sya ng stage na waring nagpapahiwatig na tapos na ang concert. Pero nakita ko na ‘to noong 2011 kaya alam ko na may last song pa. At matapos naming sumigaw ng MORE! MORE! MORE! ay muli ngang lumabas si Taylor at inawit ang very girly na tune na We Are Never Ever Getting Back Together.

Ang saya ng number na ito. May itataas pa pala ang energy level ng mga tao. Lalo na at hiniling ni Taylor na i-wave namin ang aming mga kamay nang sabay-sabay. Ang cute lang tingnan. Lalo na nang nilingon ko ang iba ko pang katabi sa Gen Ad. 🙂

At natapos na nga ang concert kahit ayaw pa namin. Nagpaalam na siya at tuluyan na ngang nawala.

We-love-you-Taylor!

Please come back Taylor! We love you!

Walang umalis kaagad. Marahil katulad ko, dinadama pa rin nila ang natapos na concert. Inaalala ang mga pangyayari. At the same time, in denial pa na tapos na nga ang concert.

After-the-concert

After three minutes… oo nga tapos na ang concert. Tanggapin na.

With Joyce and Naj

With Joyce and Naj

Dito napatunayan ko na isa nga akong fan girl, kung iyun man ang tawag doon. First time ko ginawa sa buhay ko na  alamin ang lahat ng awitin ng isang singer at meron ako kahit yung mga unreleased song niya. Siguro kakailanganin ko ng another blog post para ilarawan ang mga dahilan kung bakit isa si Taylor Swift (bukod kay LeBron James at P!nk) sa mga hinahangaan kong celebrity.

Sa huli, ang sigurado kong dahilan kung bakit isa ako sa milyon milyong fans ni Taylor Swift ay dahil I feel really really really connected to her.

Alam ko makikita ka pa namin sa ikatlong pagkakataon.  Hindi ako naniniwala sa suwerte pero kung nag-eexist man iyun, aba’y sana manalo naman ako sa contests na yan at makapunta sa VIP section o mapasama sa T-Party o makita ka mismo! Oh cornetto binigo mo ako. Haha.

Mabuhay ka Taylor Swift!

Advertisements

Panahon na naman ng tag-init. Marami na namang tao ang nakakunot ang noo. Umiiyak na naman ang kili-kili ko (lol). Or should I say humahagulgol. Hahaha. Kaya naman napakagandang ideya ngayon ang pumunta sa beach at maglunoy sa tubig.

Kung affordability ang numero uno sa listahan mo, pwes magpatuloy ka sa pagbabasa nito. Dahil kikilalanin natin ang isang beach resort sa Tanza Cavite- ang Villa Excellance Resort.

1

Welcome to Villa Excellance!

May mga kakilala ako na nagsabing maganda raw umano ang lugar. Lalo na’t napakalapit lamang nito sa Metro Manila. Isang oras mahigit lamang ang inabot ng aming biyahe mula sa San Juan City na dumaan sa Cavitex. Mga 11:00PM kami nakarating sa resort.

Ito ang mga rates:

Beach Entrance

  • Mondays to Fridays
    Day – Php 40
    Overnight – Php 50
  • Saturday, Sundays & Holidays
    Day – Php 50
    Overnight – Php 60

Pool Entrance

  • Adult
    Day – Php 60
    Overnight – Php 70
  • Kids
    Day – Php 50
    Overnight – Php 60

Resort Facilities -12 Hrs Rent

  • Picnic Table with Shade – Php 200(day), 250(night)
  • Tent with 1 Table – Php 500
  • Kubo Open – Php 700
  • Tent Pool Side – Php 1,200
  • Round Pavilion(RP) – Php 1,200 (ito kinuha namin)
  • Function Hall – Php 10,000
  • Bahay Kubo – Php 1,200
  • Cottage Aircon – Php 1,800
  • Apartelle Aircon- Php 4,500
  • Videoke Rental- Php 1500 (ay ito hindi mawawala)
  • Camping Tent- Php 700
2

This is the “Picnic Table with Shade”

Malawak ang lugar at maayos ang layout ng resort. Hili-hilera ang maraming Picnic table with shade. Sa likod ng nakahilerang Round Pavilion ay nandoon ang nakahilera ring Tent. Basta puro hilera. 🙂 Maayos naman tingnan.

Ang isa pang mainam na bagay sa beach na ito ay ang malawak na parking lot. Sa tabi ng Round Pavilion ay nagawa pa nga naming mai-park ang sasakyan na dala. At malapit dito ay nandoon mismo ang ihawan. Sa tapat ng RP ay doon sinet-up ang inarkilang videoke pati na rin ang lamesa at upuan na hiniram.

3

May nakita ba kayong alak? Tama, allowed sa resort na ito ang uminom at mag-ingay (thru videoke). Basta huwag lang daw mag-aaway. 🙂 May tindahan din dito na bukas at nagbebenta ng halos lahat ng maaari mong kailanganin.

At dahil beach resort ito, kamustahin natin ang tubig.

4

I love being one with water 🙂

5

Kunyari model. Hahaha.

Madaling araw nakunan ang mga larawan na ito. At dahil masyadong madilim pa ay hinintay na lamang namin ang lumiwanag bago maligo sa dagat. Lalo na’t hindi naman ako marunong lumangoy.

Dumating ang liwanag… ngunit sa kasawiang palad, sampung minuto lamang ako nagkapaglunoy sa tubig. Marami kasi akong nakitang dikya/salabay/jellyfish. Isang dekada ang nakararaan nang masalabay ako sa Palawan. Ang masasabi ko lang ay- OUCH. Haha. Kaya naman, ayoko na.

Ngunit napag-alaman ko naman na hindi kasing delikado ng puting salabay na naranasan ko sa Palawan ang itim na nakita ko sa Villa Excellance. At sinabi rin ng mga tao doon na sa ibang panahon daw ay hindi naman makati ang tubig sa dagat.

Gayunpaman, nawalan na ako ng gana sa uneasiness na naramdaman ko, kaya naman umahon na ako at nagbanlaw.

Nagbalik videoke na lamang ako matapos nito upang palipasin ang oras.

6

Tapos nagsulat.

At natulog sa isa sa mga lamesa na nandoon. Dahil puro ako gising, at wala pang tulog. 😉

Pagkatapos ay naglibot-libot.

7

8

Nanguha ng shells 😀

9

Ang lambat sa likod ay gamit sa pagkuha ng mga dikya

10

Basta sa likod nyan, maraming dikya

11

Ayun lang, babush 😀

(Mag-aala travel blogger muna ako ngayon :-D)

Para sa mga Pinoy at Pinay diyan na gustong takbuhan sandali ang ingay at usok ng kamaynilaan, nandiyan ang Cavite, Laguna, Rizal at iba pa na maaaring puntahan. Nitong nakaraang holiday, sa Tagaytay Cavite ang aking naging destinasyon.

WELCOME

Welcome to Tagaytay!

Kilala ang Tagaytay sa malamig na panahon nito at ang ilang oras na biyahe lang mula sa Maynila. Maraming maaaring puntahan dito: People’s Park in the Sky, Bag of Beans, Bulalo Point, Sky Fun Amusement Park, Banahaw Heals Spa, Picnic Grove at marami pang iba. At napagdesisyunan namin ng aking friends from San Juan na sa Picnic Grove ang puntahan.

APAT-1

Pinay with friends from San Juan 🙂

Paano pumunta?

Noong una, akala ko may sakayan pa ng pa-Tagaytay sa Lawton. Sa kasawiang-palad, wala na pala. Kaya naman sumakay kami ng bus papuntang Coastal Terminal (P25). At doon sumakay ng bus na may nakalagay sa signboard na Tagaytay/Olivarez Terminal (P60).

Ang biyahe mula Coastal Terminal ay umabot ng mahigit dalawang oras dahil na rin sa bagal ni manong magpatakbo. At dumagdag pa rito ang lalaking sumakay na mukhang kakilala niya, kung kaya’t nag-chika minute pa sila. 🙂

Pagkababa sa Olivarez Terminal, may masasakyan doon na jeepney (P11) na magbababa sa inyo sa mismong tapat ng Picnic Grove. O kaya naman ay tricycle na P20 bawat isang tao. Ang entrance fee ay P50.

Maaari kayong magdala na lamang ng mat/tent (katulad namin) kung ayaw niyong magrent ng huts o picnic sheds (P100-500).

APAT-2

Nakisilong lang kami sa shed na ito nang umulan (Ang rent ay P500)

Sa open space kami naglatag at doon kumain. Medyo struggle lang kasi napakalakas ng hangin. Feeling ko nga may mga kung ano nang napunta sa kinain namin. Pero ayos lang. Wala namang sumakit ang tiyan. 😀

MALAKAS-ANG-HANGIN

Mahangin sa labas

Maraming pwedeng pagkaabalahan sa Picnic Grove.

Picnic. 🙂

Horseback riding. Ang isang oras ng horseback ride ay may singil na P150-200 depende sa laki ng tao, este ng kabayo. Hehe.

Adventure Jungle. Pwedeng magpapicture kasama ang malaking ahas at buwaya na may tape sa bibig. Inalok kami na magpapicture dito nang P200 (apat kami). Pero umayaw ako. Hindi dahil sa takot ako. Wala lang ako sa mood maging matapang. Hahaha. Pero hinawakan ko yung buwaya noh. Akala ko kasi hindi totoo. Hindi kasi gumagalaw. Ngunit hindi ko hinawakan yung ahas, kasi mukhang totoo eh. Haha.

Kite Flying. May nakita akong mga nagpapalipad ng guryon. Perpektong lugar iyun ng mga oras na iyun. Dahil tulad nga ng nabanggit ko, napakalakas ng hangin. Halos liparin nga ako eh. Ganun kalakas. Katakot. 🙂

KITE-FLYING

Magswimming?. Ay medyo hindi lang ako sigurado dito. Haha. May nakita kasi akong swimming pool. Pero wala namang tao. At ewan ko lang din kung may magtatangka pang maligo doon. Eh ang lamig kaya.

Maalala ko lang, hindi ko alam kung bakit nagdala ako ng pamaypay, extra towel, shades at payong. Ot-ot lang. Haha. Kumpleto. Akala mo mainit na panahon ang lugar na pupuntahan noh. Badtrip. Haha.

OT-OT-LANG

Parang ang larawan na ito- mukhang ot-ot lang 😀

Zipline. Bahagyang nalungkot ako nang magpatuloy ang ambon ng umagang yun. Paano ba naman kasi, gusto ko talagang sumakay dito. Hindi pa ako nakakasakay noon. Kaya nang bahagyang nawala ang ambon ay tumuloy na kami.

Zipline-at-Tagaytay

24 seconds lang ang ride na ito

Kapag weekdays P200 ang one-way. Samantalang kapag weekend o holiday P300. Dagdag lang ng P100 para sa  two-way. May isang libreng litrato ito. 🙂

RATES

Zipline & Cable Car Rates

Buy Pasalubong/Souvenir Items. Hindi rin mawawala ang pasalubong o pagbili ng souvenir items. May bilihan din mismo doon sa loob ng Picnic Grove. Bukod sa t-shirt, hindi mawawala ang keychain sa listahan. Alam na. Butas ang bulsa kung lahat bibilhan ng magandang souvenir item. Haha. At syempre, ang masarap na buko pie ng Colette’s. 🙂 Yum yum.

May naglalako din doon ng isang basket na pinya (P100). Doon ako nahirapang magdala. Ang bigat kasi. Hindi ko rin alam kung bakit ba bumili ako. 😀

Picture Taking. Syempre, kahit hindi naman sabihin ay paniguradong magpipicture taking tayo. 🙂 Lalo na’t napakaganda ng tanawin. At matatanaw din ang Taal Volcano mula dito.

Nature1

Nature2

KATH

Yeah, we're all wearing minion shirt :-)

Yeah, we’re all wearing minion shirt 🙂