wikangfilipino

Ikaw kabataan, binibini, ginoo
Sa lahat ng Pilipinong makakabasa nito
Maalam ka ba sa Wikang Filipino?
O isa kang banyaga sa wika mo?

Kamusta o kumusta?
Ano nga ba ang tama sa dalawa?
Tagalog o Filipino ba?
Ano rito ang pambansang wika?

Magaling, kay galing!
Ang isip sa wika ng iba’y matulin
Kapag Wikang Filipino ang usapin
Bakit ba ika’y nagiging antukin?

Sa Ingles kay husay, o napakahusay
Ngunit sa Filipino ika’y nawawalan ng kulay
Nauubusan ng tinig, tinatakasan ng salita
Hala siya sa sariling wika niya ay banyaga!

O kahindik-hindik, kagila-gilalas
Paanong nangyaring di ka matatas
Kung nububuhay lamang si Balagtas
Tiyak mabubuwisit sa’yo ang pantas.

Nasaan na ang bakas ng wika sa pananalita?
Bakit di na kilala ng iyong dila?
Napakarikit naman ng ating wika
Sana lang ito’y iyong nakikita.

Buksan lamang ang iyong kamalayan
Ang wika nati’y makulay kung mamasdan
May kapangyarihang magbuklod ng mamamayan
Ng mga mamamayang niyayakap nitong bayan.

Ang Pilipinong banyaga sa Wikang Filipino
Ay di dapat tawaging isang Pilipino
Mahal mo lang ang Pilipinas kapag gusto mo
Ngunit hindi ba dapat mahalin mo ang lahat ng tungkol dito?


 Ang tulang ito ay aking inilahok sa Saranggola Blog Awards 6.

Saranggola 336x280

Sa pakikipagtulungan ng:

  2taragis2kw2dmci  2imove2peba 2dp

*I do not own the posted pictures. 

Comments
  1. pinoypolitika2014 says:

    Reblogged this on politikang pilipino and commented:
    Ang hindi magmahal sa sariling wika ay malansa pa sa mabahong isda, Dr. Jose Rizal

  2. chevybo says:

    Kagaling nare! Ala’y babagay ang kuta mo sa kuta ni J.Kul. Kainaman na yan! – wala lang, gusto ko lang sabihin na ang husay nang mga naipiling salita ang mga pagtugma sa bawat pagtatapos ng talata sa bawat pangungusap. Ang galing ng mga salitang ginamit! mediyo hindi ko arok ang iba dahil sa kalaliman nito, subalit, direkta ang punto, magaan at may halong kuwela ang paskil!🙂

  3. jmsabbagh says:

    Exceptional post.Thank you for visiting my blog.Best wishes.

  4. “Ang Pilipinong banyaga sa Wikang Filipino, Ay di dapat tawaging isang Pilipino”

    I agree, este, ako ay sumasang-ayon🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s