street

Lumalakad akong muli sa lansangan ng pag-ibig
Sa kabila ng maraming kalsada ng daigdig
Natagpuan na naman ang sarili sa pamilyar na bisig
Ng kilig, ng duda at pananabik.

Mula nakaraang taon ako’y nasa Kalye Paghihintay
Pagkat batid sa tamang panahon naman siya’y ibibigay
Ngunit ika’y dumaan at puso ko’y tinangay
Napaisip kung ikaw na ba ang siyang hinihintay?

Kaya nilisan ko ang Kalye Paghihintay
At sinuong ang kumplikadong kalye ng buhay
Huminga ng malalim, inabot aking kamay
Ikaw na ang bahalang sa ati’y gumabay.

Ngunit itong paglalakbay ay di madali
Minsa’y hindi sapat ang bawat sandali
At minsa’y umaakto kang di ikaw ang pinili
Kung hindi ikaw, bakit ako nananatili?

Sa daan may oras din ng paghinto
Tulad ngayon, ang puso ko’y naninibugho
Sinusukat kung dapat bang magpatuloy o sumuko
Di ko kasi mabatid kung hanggang saan ang pagsuyo.

At kung mangyari man na magkawalay
Sana’y magkatagpo sa dulo ng paglalakbay
Pagkat di ba wika mo’y mayroon akong natangay?
Ngunit kung nais mong bawiin akin din namang ibibigay.

Ang lansangan ng pag-ibig ay walang kasiguraduhan
Ang may kaya lamang tumawid ay yaong matatapang
Kung balak mong sumuong hanggang sampu ay bumilang
Lakasan ang loob pagkat sa bawat isa’y may nakalaan.


*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. yan na nga ba sinasabi ko eh, may tumutula kapag may umiibig. lol

  2. aysabaw says:

    naks pumapag-ibig ^__^

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s