Matagal-tagal na rin nang huli akong makapanood ng concert. Ang huli ay noon pang ika-19 ng Pebrero taong 2011, sa Speak Now World Tour ni Taylor Swift. At matapos ang tatlong taon? Nakapanood muli ako! At ang singer ay si TAYLOR SWIFT pa rin!😀

Twice-na-at-Taylor-Swift's-Concert

Seeing Taylor Swift for the SECOND TIME!

Buhay pa sa alaala ko ang unang concert nya dito sa Pinas sa Araneta Colisuem. Wala pa akong napuntahan na ganoon ka-loud and wild na audience. Can’t blame them. Dahil nang gabi na iyun, naging willing rin ako i-sacrifice ang boses ko and won’t mind kung mapaos. Kakaiba ang energy. At nang lumabas ang anino niya sa stage curtain hindi ko inakala na may ilalakas pa pala ang volume ng sigaw namin. Nakakawindang. Ang saya!

Kaya naman, gayun na lamang ang excitement ko nang ibalita nitong Pebrero 13 na magkakaroon muli ng concert si Taylor dito sa Pinas! Hindi na ako makapaghintay pa na makabili ng ticket agad-agad. Kaya lamang, noong Marso 7, na-sold out ang tickets in less than two hours! Na hindi ko matanggap dahil 10:10AM nakapila na ako sa SM San Lazaro at may halos 30 katao lamang ang nasa aking harapan. Napakabagal kasi ng staff na nandoon.😦

Sa jeep pa lang, gusto ko nang umiyak. At nang makarating ako sa opisina, doon na tuluyang lumabas ang mga nagpipigil na luha. Dalawang beses pa lamang ako umiiyak ngayong taon, at ang isa doon ay dahil naubusan ako ng ticket sa concert ng isa sa mga hinahangaan kong tao.

Ngunit, mabait sa akin ang tadhana, nakarating sa boss ko na hindi ako nakabili. At nagtapos ang araw na iyun sa magandang balita- na may kakilala ang boss ko at doon maaari akong makakuha ng ticket. Grabe. Ang bait ni ma’am!🙂

At sumapit na nga ang Hunyo 6.

Ang pinakahihintay kong araw.

Sa SM Mall of Asia.

At dahil ito ay may pamagat na Red Tour, nakaisip ako ng brilliant idea na RED ang suotin sa concert  niya. Hahaha.

Red-Shoes.-Red-blouse.

Red Shoes. Red blouse.

Moving on sa aking brilliant idea…

Sa simula ng concert, muli lumabas ang anino ni Taylor Swift sa stage curtain. Tili kung tili. Sigaw kung sigaw. At kahit pangalawang beses ko nang nakakapunta sa concert nya, parang sasabog pa rin ang dibdib ko sa saya. Seeing one of the women you look up to is priceless. Kahit pa nasa Gen Ad pa rin ako.🙂

My-view-from-Gen-Ad-Row--A

My view from Gen Ad Row A

Ito ay Red Tour Concert, kaya karamihan sa mga inawit nya ay mula sa 2012 Red Album niya. Una niyang inawit ang State of Grace. Matapos nito ibinigay niya ang sumbrero  sa fan na nasa malapit sa stage at sinabi ang unang Filipino words niya sa gabi: Maraming salamat po! Na sinuklian ng audience ng hiyawan at tilian.

Sunod na inawit nya ay Holy Ground. Second number pa lang pero parang mauubusan na ako ng boses. Dahil kung hindi ako sumasabay sa kanta ay humihiyaw naman ako. Haha. Pero keri lang.

Matapos nito ay nagsalita muli siya gamit ang ating lenggwahe: “Magandang gabi po! Mabuhay!” Na nagpawindang lalo sa crowd. Lalo na napaka-cute ng pagkakasabi nya ng “Mabuhay!” Haha.

Wika pa niya: This is my second time playing a show in Manila… I think I’m seeing some familiar faces out in the crowd. Are there some people here who saw my last show that we did in Manila? At kung maka-YEEEEES naman ako ay parang aabot kay Taylor ang sagot ko. I even raise my hand as if makikita niya. Haha!

Matapos nito, kinanta nya ang Red na base kay Taylor, “If I have to choose one color to represent all of these emotions that go into falling in love and having your heart broken… the color that I will choose Manila will be bright, burning RED!”

Sunod na kinanta nya ay ang awitin na tumatalakay sa buhay ng pagiging sikat na celebrity- The Lucky One. At matapos nito ay ang awitin naman na tungkol sa mga haters o bad creatures na kasama natin sa mundo- MEAN. (Kung maka-capital letters ako parang may pinaghuhugutan haha!)

Nang bumalik siya sa back stage para muling magpalit ng costume, ipinakita ang AVP ng journey ni Taylor sa pag-awit mula pagkabata. At matapos ang ika-22 na clip ay tinugtog ang awitin na  22.  Na magiliw naming sinabayan (sing-along party kasi ito).😀

Red-top-with-“Manila”-print

Red top with “Manila” print

Sinundan ito ng kantang Fearless gamit ang kanyang gitara. Taylor wrote this song when she’s not dating anyone. According to her, this is her ideal kind of date.

Ang ika-walo niyang inawit ay acoustic version ng isa sa mga pinakasikat niya na kanta- You Belong With Me. Na sinundan ng opening song niya noong 2011 concert- Sparks Fly. Matapos nito ay I Knew You Were Trouble naman na napakaganda ng production number.

Taylor Swift singing I Knew You Were Trouble

Taylor Swift singing I Knew You Were Trouble

At ang isa sa mga pinakahinihintay kong i-perform niya ay dumating din- ang All Too Well.Puno ng emosyon ang awitin na ito. Ang mga paborito kong linya ay:

Hey you called me up again just to break me like a promise
So casually cruel in the name of being honest
I’m a crumbled up piece of paper lying here
Cause I remember it all all all too well

Matapos ang makabagdamdamin na performance ni Taylor sa harap ng piano ay inawit naman niya ang isa rin sa mga sobrang sumikat niya na kanta- Love Story.

At lumabas na sya ng stage na waring nagpapahiwatig na tapos na ang concert. Pero nakita ko na ‘to noong 2011 kaya alam ko na may last song pa. At matapos naming sumigaw ng MORE! MORE! MORE! ay muli ngang lumabas si Taylor at inawit ang very girly na tune na We Are Never Ever Getting Back Together.

Ang saya ng number na ito. May itataas pa pala ang energy level ng mga tao. Lalo na at hiniling ni Taylor na i-wave namin ang aming mga kamay nang sabay-sabay. Ang cute lang tingnan. Lalo na nang nilingon ko ang iba ko pang katabi sa Gen Ad.🙂

At natapos na nga ang concert kahit ayaw pa namin. Nagpaalam na siya at tuluyan na ngang nawala.

We-love-you-Taylor!

Please come back Taylor! We love you!

Walang umalis kaagad. Marahil katulad ko, dinadama pa rin nila ang natapos na concert. Inaalala ang mga pangyayari. At the same time, in denial pa na tapos na nga ang concert.

After-the-concert

After three minutes… oo nga tapos na ang concert. Tanggapin na.

With Joyce and Naj

With Joyce and Naj

Dito napatunayan ko na isa nga akong fan girl, kung iyun man ang tawag doon. First time ko ginawa sa buhay ko na  alamin ang lahat ng awitin ng isang singer at meron ako kahit yung mga unreleased song niya. Siguro kakailanganin ko ng another blog post para ilarawan ang mga dahilan kung bakit isa si Taylor Swift (bukod kay LeBron James at P!nk) sa mga hinahangaan kong celebrity.

Sa huli, ang sigurado kong dahilan kung bakit isa ako sa milyon milyong fans ni Taylor Swift ay dahil I feel really really really connected to her.

Alam ko makikita ka pa namin sa ikatlong pagkakataon.  Hindi ako naniniwala sa suwerte pero kung nag-eexist man iyun, aba’y sana manalo naman ako sa contests na yan at makapunta sa VIP section o mapasama sa T-Party o makita ka mismo! Oh cornetto binigo mo ako. Haha.

Mabuhay ka Taylor Swift!

Comments
  1. […] Taylor Swift’s Red Tour Concert in Manila June 9, 2014 […]

  2. JAP says:

    You really had a brilliant idea that night..Sana may whole body picture ng OOTN. Hehe. I enjoyed reading this post!🙂

  3. aysabaw says:

    hehehe…di ko idol talaga si Taylor. Pero kung papipiliin ako kay Taylor at sa 1D…. ahehehe

  4. Mervin Lising says:

    Hahaha That was so Fun😀 I wish nilagay mo rin yung mga taong walang pakiramdamlike nakaupolang sila sa tabi at kumakain ng popcorn HAHAH❤ I love your blog😀

    • HAHAHA! Exactly. Nainis nga ako sa fact na 8:00PM pass na e ang dami pang bungi na upuan lalo na sa lower box.

      Napansin ko rin na mas WILD and LOUD ang Swifties nung 2011 Speak Now World Tour.🙂 Mabuhay ang mga all out na kumanta at sumayaw!

      Thanks for appreciating this blog!😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s