when i grow up I want to be fat

 

Bukod sa pamilya, ang isa pang importanteng aspeto ng ating buhay na madalas nating makaligtaan ay ang- KALUSUGAN.

Tama, ganun ka-drama ang paghahambing doon.😉

Sa rami ng nangyayari sa ating buhay, hindi na natin nabibigyan ng sapat na atensyon ang kalusugan. Lalo na kung napakaraming iniisip at alalahanin sa araw-araw. Kaya syempre, inihuhuli na natin ang usaping pangkalusugan sa mga pagtutuunan natin ng atensyon.

Mula pa man noon, payatot na ako. Hindi talaga ako tabain mula pa pagkabata. Patpatin kung ituring. At kung magkakalaman man, mabilis din na bumabalik sa orihinal na pagiging payat. Kaya akala ko noon, isang pangarap nalang ang magkalaman. Para sa akin, tila imposible na ang tumaba.

Nakakalungkot, dahil sa araw-araw na pagtingin ko sa salamin, naiirita ako sa payatot na nasa aking harapan. Hindi mo malaman kung malnourish o ano.

Kaya naman, nang matapos ang board exam ng aking kapatid noong Oktubre ng nakaraang taon, nasabi ko sa katawan ko na, “okay, bibigyan na kita ng atensyon at halaga ngayon.”

Tapos sabi lang ng katawan ko, “k.” (Hahaha loko lang).

Binigyan ko ng anim na buwan ang aking sarili bago husgahan kung nakamit ko ba ang aking mithiin. At ang resulta matapos ang anim na buwan? (Dito may mga larawan)

Sa wakas, tumaba rin ako ng hindi panandalian! At nitong nagkalaman nga ako, masasabi kong I feel more alive. O baka naman dahil na rin sa katotohanang nabawasan na ang mga alalahanin sa buhay. Basta, I just feel better about myself now.

Mas mainam na ang pakiramdam ko kasi iba pa rin na malusog ka sa pisikal na aspeto. Pinilit ko na hindi na kaligtaan ang kumain. Dahil minsan, tamad ako kumain. At syempre, tigilan na ang sobrang kuripot dahil tapos na naman ako ng pag-aaral at hindi na kailangan pang ilaan ang baon sa gastusin sa eskwelahan.

Ngunit hindi ko naman layunin na suportahan ang obesity. Ang sa akin lang, whatever it is that works for you, GO GO GO! Kung pagpapataba man yan o pagpapapayat.

Gawin mo ito hindi para sa mata ng mga tao, bagkus dahil mahal mo ang sarili mo.

Kapag may nagsasabi nga sa akin na “Uy Kath ang taba mo na!”

Sinasagot ko naman ng “Oo, at pinaghirapan ko yan! Haha.”

Yung iba parang may masamang intensyon na ako’y pikunin, pero hindi naman sila nagiging matagumpay sa pang-iinis. Dahil totoo naman na niyayakap ko at tinatanggap ang pagdagdag ng timbang. Ngunit naisip ko, masama ba talaga sa pamantayan ng lipunan ang maging mataba?

Naisip ko lang naman.

At kung sakaling concern nga talaga sila, huwag silang mag-alala. Dahil sa isa sa mga susunod na blog post ko, tatalakayin ko naman ang tungkol sa pag-eehersisyo.😉

Sa huli, napatunayan ko na may mga pangarap talaga na natutupad. Yey! Hindi na ako mukhang malnourish! Hahaha.

 

 

I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. aysabaw says:

    so isa ka sa mga unfair na nilalang na kahit isang banyerang kanin ang kainin sa araw araw ay hindi pa rin tumataba?

  2. Mahirap magmaintain ng ideal weight sis. Basta eat healthy & exercise (duh?!!!) Ako talaga ang magsabi ng exercise??? Hahaha..

  3. rey & lyn says:

    Kami kahit hindi pinangarap, tumataba. Hehehe or huhuhu.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s