Nahihimbing na Katinuan

Posted: April 26, 2014 in Ang Kwento ni Pinay
Tags: , ,

Woman in the Wind

Waring ibinubulong ng hangin ang nakaligtaang mga hangarin.

Sampu ng araw at ng kaulapan, nagkakaisa ang lahat upang pukawin ang aking nahihimbing na katinuan. Tila ba hindi ko na magagawang matakasan pa. Ako’y hinahabol nila at naroroon saan man ako magpunta.

Maaari bang ihain ko ang aking kaso sa korte ng sangkatauhan? Dinggin nyo mga ebidensya ko nang maliwanagan ang inyong isipan.

Ang aking argyumento: hindi ako sapat o nararapat. Ang inyong nais ay hindi ko kaya. Ang inyong ekspektasyon ay nakakalula. Sa huli ako ay isa na lamang na katawa-tawa.

Sabi ng ilan, ako raw ay may husay. Ngunit sa daan mas maraming mararamot na nakahandusay. Maramot sa pang-unawa, sa pagtuturo at sa pagkilala. Lahat sila nakakalat na animo’y mga basura. Mga nabubulok na basura. Tulad ng pag-iisip nila.

May isang tumuran na ang sabi lumaban ka. Ngunit naibigay ko na halos ang lahat. Ang kulang na lamang ay aking hininga. Kay rami nang bakas ng laban sa buo kong katauhan. Hindi na yata matatapos pa ang mga digmaan. Pagal na ang aking katawa’t isipan. Wala na yatang lugar ang salitang kapayapaan.

May sumigaw sa akin, bumangon ka! Sana’y malaman mo na hindi ito ang unang pagkakataon na sumubsob ako. Tila tahanan ko na nga ang malawak na lupa. Kapiling nya lagi ang aking mga luha. Kung sa bawat paghakbang ko ay may tumatalisod sa paa ko, mangyayari pa bang magpapatuloy ako? O kay sakit na. Hindi ko na yata kaya. Bakit pa kailangang bumangon, kung pagkatao ko nama’y patuloy lamang nilang ibinabaon?

Lumapit pa ang hangin… at tila dahan-dahang pinulupot ang sarili sa akin. Tila ba niyayakap ako nito. Na waring sinasabi na nakita nya ang mga pangyayari. Saksi sya. Ngunit walang panghuhusga. Ang dampi nito  sa akin ay tila nagsasabing….

Alalahanin mo ang mga mithiin at pilitin itong tahakin.

Sampu ng araw at ng kaulapan, nagkakaisa ang lahat upang pukawin ang aking nahihimbing na katinuan. Tila ba hindi ko na magagawang matakasan pa. Ako’y hinahabol nila at naroroon saan man ako magpunta.

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. Reblogged this on Pinay Unlimited and commented:

    Para sa mga nangangarap, hinahanap ang pangarap at nawasak ang pangarap… alalahanin mo ang mga mithiin at pilitin itong tahakin.

    Reblog muna mga pinoy at pinay!🙂

  2. […] Nahihimbing na Katinuan April 26, 2014 […]

  3. ok lang yan, balita ko tumaba ka naman eh.🙂

  4. upjennifer says:

    batid ko ang iyong nararamdaman, dahil ako din ay kasalukuyan binabagabag ng kasawian sa pang unawa sa kapaligiran. dalangin ko nawa’y maging maayos na ang lahat!

  5. Nortehanon says:

    Sadyang nakakapagod kung minsan ang panghuhusga ng iba. Ngunit isipin mo, worth it nga ba ang pakinggan sila? Akalukungkot minsan na tayo’y hinuhugis ayos sa hulmang gusto ng iba para sa atin.

    Sana’y tama ang basa at pag-intindi ko sa post mong ito😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s