PBA-2012

Unang Pagkakataon na Nakapanood ako ng Ginebra Game ng LIVE (2012)

 

Ako ay laking Ginebra. At kahit marami na ang nagbago sa buhay at mga interes ko, nananatili pa rin akong taga-Ginebra.

Marahil nakapagtataka para sa isang dilag na katulad ko. Dahil ang karaniwang mga tagahanga nito ay puro mga kalalakihan. Na kung mayroon mang mga kababaihan na nagdedeklara na sila raw ay tagahanga, ay panandaliang tagahanga lamang. Pwede rin nating tawaging seasonal fan. Pero wala namang masama dyan.πŸ™‚

Fan ka man for all season o seasonal fan, hindi maikakaila na ang Ginebra ang pinakasikat na kuponan ngayon sa kahit na anong sports sa Pilipinas.

Bakit nga ba?

Dahil may angas pa rin ni Mark Caguioa?

Dahil buhay pa rin sa alaala mo ang The Living Legend, Robert Jaworski?

Dahil fan ka nina The Fast & The Furious? Ni Gregzilla? Ni Minion? Ni Eagle? Ni Tiniente?

O dahil sa Never Say Die Attitude na pinauso nila?

O baka naman, all of the above?

Ako? All of the above sana ang sagot ko, kaya lang hindi ko naman naabutan si Jawo. Basta ang alam ko lang, sya ang pasimuno ng lahat ng itoπŸ˜€

Kaya naman, kapag natatalo ang Barangay, nade-depress talaga ako. Minsan iniisip ko nga na hindi na normal ang emotional investment ko sa sports na ito. Pero nakaka-adik lang talaga. Hindi ko mapigilan. Hindi ko matiis ang barangay na hindi sila suportahan. Wala e, nakalakihan na.

At kagabi, ang kapanapanabik na Game 7 ay nagwakas na… pabor sa kalaban ng Ginebra. Nakakalungkot lang. Dahil sa kabila ng pagtitipid ko ay plano ko sanang pagkagastusan ang panonood ng live kapag nakapasok ng Finals ang barangay. Kaya lang… natalo.

Hayy. Malungkot talaga ako ngayon. Kaya heto naisipan kong magsulat tungkol sa paborito kong kuponan. Hayaan nyo na ako. Sabi nga sa awitin:

Pagbigyan nyo na ako

Paminsan-minsan lang ito

Gumaan ang nabibigatang puso

Β 

Pagbigyan nyo na ako

Kahit na kahit paano

Sumaya ng bahagya itong mundo

Bawi nalang tayo sa susunod na conference mga kabarangay. May import yun, kaya ang panukala ko, ito ang kuhanin natin para sigurado:

lebron-ginebra

Comments
  1. Doctor Eamer says:

    Laking alaska naman ako.hahaha Gatas VS Alak.lol!

  2. rey & lyn says:

    Kami man ay mga Ginebra fans. Ang pinag-iba natin e naabutan namin si Jawo.πŸ˜‰

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s