Daloy ng Diwa

Posted: January 8, 2014 in Ang Kwento ni Pinay
Tags: , ,

May mga panahon na kahit ayaw mo magsulat ay matatagpuan mo pa rin ang sarili na nagsusulat. Ginagawa mo ito kahit hindi ka sigurado kung saan tutungo ang kwento mo.

Sinasabi ng ilan na malungkot daw ang maging manunulat… dahil ikaw ay nag-iisa. Ngunit hindi naman gayun ang paniniwala ko doon. Dahil sabi nga sa Ingles, “I’m alone but not lonely.”

May walong buwan na ang nakalilipas nang sinimulan ko ang blog na Pinay Unlimited: I Don’t Want To Be Defined. Hindi ito ang unang blog ko. Yung nauna ay isang sikretong blog. Puro kwento ng mga sama ng loob noong college ako.😛 Ngunit binura ko na rin dahil may pakiramdam ako na dapat akong magsulat ng higit dito.

Minsan hindi mo maipaliwanag ang ilang mga bagay, pero alam mo na dapat mo itong gawin.

At nabuhay nga ang Pinay Unlimited. Kung tama ako ng naaalala, 2011 nang ginawa ko ang FB page. Ginawa ko lang. Hindi ko pa alam ang gagawin dito. Pero alam ko na may paggagamitan ako. Hanggang sa wakas ay gumawa ako ng matinong blog nitong 2013. At napag-ugnay ko na ang page at blog na ito.

Napakasarap magsulat. Minsan matatagpuan mo ang sariling umiindak sa tunog ng mga salita. O lumalakad sa alambre bugso ng masalimuot na paghabi ng simula at katapusan ng mga kwento.

May kapanatagang hatid din ang pagsusulat. Kinakalma nito ang puso ko. At pinapanatag ang kaluluwa ko.

Ang mga larawan ng buhay na hindi maisalarawan ay nagagawan ng mukha gamit ang mga titik o letra. At ang damdaming hindi maipaliwanag, ay naiilawan ng mga salitang pinagsasama-sama.

O kay sarap magsulat… halika’t padaluyin ang diwa.

woman_writing2

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s