(Mag-aala travel blogger muna ako ngayon :-D)

Para sa mga Pinoy at Pinay diyan na gustong takbuhan sandali ang ingay at usok ng kamaynilaan, nandiyan ang Cavite, Laguna, Rizal at iba pa na maaaring puntahan. Nitong nakaraang holiday, sa Tagaytay Cavite ang aking naging destinasyon.

WELCOME

Welcome to Tagaytay!

Kilala ang Tagaytay sa malamig na panahon nito at ang ilang oras na biyahe lang mula sa Maynila. Maraming maaaring puntahan dito: People’s Park in the Sky, Bag of Beans, Bulalo Point, Sky Fun Amusement Park, Banahaw Heals Spa, Picnic Grove at marami pang iba. At napagdesisyunan namin ng aking friends from San Juan na sa Picnic Grove ang puntahan.

APAT-1

Pinay with friends from San Juan🙂

Paano pumunta?

Noong una, akala ko may sakayan pa ng pa-Tagaytay sa Lawton. Sa kasawiang-palad, wala na pala. Kaya naman sumakay kami ng bus papuntang Coastal Terminal (P25). At doon sumakay ng bus na may nakalagay sa signboard na Tagaytay/Olivarez Terminal (P60).

Ang biyahe mula Coastal Terminal ay umabot ng mahigit dalawang oras dahil na rin sa bagal ni manong magpatakbo. At dumagdag pa rito ang lalaking sumakay na mukhang kakilala niya, kung kaya’t nag-chika minute pa sila.🙂

Pagkababa sa Olivarez Terminal, may masasakyan doon na jeepney (P11) na magbababa sa inyo sa mismong tapat ng Picnic Grove. O kaya naman ay tricycle na P20 bawat isang tao. Ang entrance fee ay P50.

Maaari kayong magdala na lamang ng mat/tent (katulad namin) kung ayaw niyong magrent ng huts o picnic sheds (P100-500).

APAT-2

Nakisilong lang kami sa shed na ito nang umulan (Ang rent ay P500)

Sa open space kami naglatag at doon kumain. Medyo struggle lang kasi napakalakas ng hangin. Feeling ko nga may mga kung ano nang napunta sa kinain namin. Pero ayos lang. Wala namang sumakit ang tiyan.😀

MALAKAS-ANG-HANGIN

Mahangin sa labas

Maraming pwedeng pagkaabalahan sa Picnic Grove.

Picnic. 🙂

Horseback riding. Ang isang oras ng horseback ride ay may singil na P150-200 depende sa laki ng tao, este ng kabayo. Hehe.

Adventure Jungle. Pwedeng magpapicture kasama ang malaking ahas at buwaya na may tape sa bibig. Inalok kami na magpapicture dito nang P200 (apat kami). Pero umayaw ako. Hindi dahil sa takot ako. Wala lang ako sa mood maging matapang. Hahaha. Pero hinawakan ko yung buwaya noh. Akala ko kasi hindi totoo. Hindi kasi gumagalaw. Ngunit hindi ko hinawakan yung ahas, kasi mukhang totoo eh. Haha.

Kite Flying. May nakita akong mga nagpapalipad ng guryon. Perpektong lugar iyun ng mga oras na iyun. Dahil tulad nga ng nabanggit ko, napakalakas ng hangin. Halos liparin nga ako eh. Ganun kalakas. Katakot.🙂

KITE-FLYING

Magswimming?. Ay medyo hindi lang ako sigurado dito. Haha. May nakita kasi akong swimming pool. Pero wala namang tao. At ewan ko lang din kung may magtatangka pang maligo doon. Eh ang lamig kaya.

Maalala ko lang, hindi ko alam kung bakit nagdala ako ng pamaypay, extra towel, shades at payong. Ot-ot lang. Haha. Kumpleto. Akala mo mainit na panahon ang lugar na pupuntahan noh. Badtrip. Haha.

OT-OT-LANG

Parang ang larawan na ito- mukhang ot-ot lang😀

Zipline. Bahagyang nalungkot ako nang magpatuloy ang ambon ng umagang yun. Paano ba naman kasi, gusto ko talagang sumakay dito. Hindi pa ako nakakasakay noon. Kaya nang bahagyang nawala ang ambon ay tumuloy na kami.

Zipline-at-Tagaytay

24 seconds lang ang ride na ito

Kapag weekdays P200 ang one-way. Samantalang kapag weekend o holiday P300. Dagdag lang ng P100 para sa  two-way. May isang libreng litrato ito.🙂

RATES

Zipline & Cable Car Rates

Buy Pasalubong/Souvenir Items. Hindi rin mawawala ang pasalubong o pagbili ng souvenir items. May bilihan din mismo doon sa loob ng Picnic Grove. Bukod sa t-shirt, hindi mawawala ang keychain sa listahan. Alam na. Butas ang bulsa kung lahat bibilhan ng magandang souvenir item. Haha. At syempre, ang masarap na buko pie ng Colette’s.🙂 Yum yum.

May naglalako din doon ng isang basket na pinya (P100). Doon ako nahirapang magdala. Ang bigat kasi. Hindi ko rin alam kung bakit ba bumili ako.😀

Picture Taking. Syempre, kahit hindi naman sabihin ay paniguradong magpipicture taking tayo.🙂 Lalo na’t napakaganda ng tanawin. At matatanaw din ang Taal Volcano mula dito.

Nature1

Nature2

KATH

Yeah, we're all wearing minion shirt :-)

Yeah, we’re all wearing minion shirt🙂

Comments
  1. Aiene says:

    te pano po kapag galing ng PAsig ???

    • Hi Aine! Hindi ako gaanong familiar sa Pasig, pero try mong sumakay nalang ng any vehicle papuntang Lawton. Tapos doon ka sumakay ng papuntang Coastal Terminal.🙂

      Normally yung mga jeepney o FX na nakikita ko from Pasig e hanggang Quiapo lang, from Quiapo sakay ka nalang ng pa-Taft/ Mabini/ Pier.. dadaan ang mga iyun sa Lawton.

  2. Aiene says:

    paano po pag galing Pasig ?

  3. Joyjoy says:

    May i ask anong sasskyan ko papuntang coastal? San ako makakasakay? Thanks po.

  4. haha tanong, “magkano singil sa iyo sa horseback riding?”, haha sabi by weight eh haha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s