Donya Ina! Paki-explain! Lab U!

Posted: November 9, 2013 in Tao Po
Tags: , , ,

May tatlong linggo na ang nakararaan nang mahumaling ako sa karakter ni Donya Ina na mapapanood sa isa sa mga segment sa 18 taon na na gag show- ang Bubble Gang. Si Donya Ina ay ginagampanan ng napakahusay mag-disguise na si Michael V.

Ang konsepto ay tungkol sa mag-ina, kung saan ang ina ay nagugulumihanan kung bakit ginagawa ng kabataan ang ilang bagay na sa kanyang palagay ay wala namang katuturan. Sa dulo hindi mawawala ang sikat na linya na “paki-explain! lab u!”

Dahil sa kasikatan ni Donya Ina, may mga gumawa ng FB Page. Tatlo dito ay ni-like ko mismo. Ang Donya Ina, Donya Ina at Na-explain ko na, LabU. Nakaka-aliw ang mga posts nila dahil nagbibigay komento sila sa iba pang mga paksa.

At dahil naaliw ako sa mga post sa page nila, aking ibabahagi sa ibaba ang mga ito:

Anak, nabasa ko ung status mo, “MAG-BBREAK DIN SILA, TIWALA LANG”. ‘Nak, sure ka bang kapag naghiwalay sila magiging kayo?
Paki Explain! Lab U!

Anak, bakit may facebook ang aso natin? Anong kahayupan yan?
Na-explain ko na, labyu.

Anak, galit ka daw sa panget? Anak mali yan! Love yourself! Mahirap pag walang nagmamahal sa sarili. Anong klaseng pag-iinarte yan?
Naexplain ko na! Lab U!

Anak, yung totoo? Study first o wala lang talagang nanliligaw sayo?
Paki Explain! Lab U!

Anak, noon, maliit ka palang. Ngayon, maliit ka pa din. Anak, yung totoo? Minion ka ba?
Paki Explain! Lab U!

Anak, ang tunay na kagandahan ay nasa ugali. Di sa maputing binti dala ng shorts na maikli.
Na Explain ko na! Lab U!

Anak, bawat galaw mo ba i-g-GM mo ha? “Kaliligo lang.” “Kakakain lang.” “Kakagising lang.” Nakakairita ka! Kulang nalang pati paghinga mo iGM mo eh. “Kakahinga lang”. Anong pagpapapansin yan?
Paki Explain! Lab U!

Anak, sinabi ko naman sayo na wag ka na mag bra. Wala ka namang boobs. Dagdag lang yan sa labada!
Lab U!

Anak, Grades ang ipinagyayabang, hindi school. Mahal nga ang tuition, bagsak naman! Anong kayabangan yan?
Paki Explain! Lab U!

Anak, ayaw mong mabastos pero mas mahaba pa yung bulsa mo kesa sa shorts? Anung pagpapapansin yan?
Paki Explain! Lab U!

Anak, ang tunay na TALINO ay di yung lumalaki ang ULO, at ang tunay na EDUKADO hindi nanlalait ng ibang TAO.
Na-Explain ko na! Lab U!

Anak, bilib ako sa taong kayang ngumiti kahit may problema. Pero mas bilib ako sa mga naka-varsity jacket kahit tanghaling tapat na ang init pa. Anong nakain nila?
Paki Explain! Lab U!

Anak, ano yung chinat mo sakin, “Hello guys, please like my profile picture. Thanks!”? Anong pagmamaganda na naman ‘to?
Paki Explain! Lab U!

Anak, Kung meron kang gandang hindi mo inaakala, meron ding gandang ikaw lang ang naniniwala.
Naexplain ko na! Lab U!

(Rated SPG)
Anak, hindi lahat ng pagod galing sa TRABAHO, yung iba galing sa KWARTO.
Na Explain ko na! Lab U!

(Mga anak, hay salamat, tapos na ko maglinis ng kwarto. Lab U!).

Anak, hindi ako natutuwa sa throwback mo sa facebook! Kahapon lang yun ah? Anong pagpapapansin yan?
Paki Explain! Lab U!

Anak, nakita ko yung tweet mo. Magaling ka naman palang mag-english kapag galit, dapat ba ginalit kita nung exam niyo?
Paki Explain! Lab U!

Hoy! Porket naka maikling shorts ang anak ko, pokpok na agad? Bakit lahat ba ng naka pantalon, virgin pa? Anong kagagahan yan?
Na-Explain ko na! Lab U!

Anak, bakit kapag may nag-like ng status mo kelangan lahat pinasasalamatan mo. Ung totoo ‘nak, kakandidato ka ba?
Paki Explain! Lab U!

Anak, Ok lang naman ang mag-ayos ng buhok at magpolbo pag may picture-an, pero kailangan ba talagang magpabango?
Paki Explain! Lab U!

Anak nabasa ko ang post mo sa FB “Lord, help me” bakit di mo kaya ibulong nalang yan sa simbahan may FB ba si God para mabasa yang help me mo?

Paki Explain mabuti! LuvU! (Post mula kay An Na Dancel)

Anak, Galing ka nanaman ba ng Starbucks? Ginawa mo nanamang studio? Nagpictorial na naman ba kayo ng inorder mo?
Paki Explain! Lab U!

Anak, ang aga aga selfie ka agad. Sa tingin mo ba, gaganda araw nila kapag nakita nila ang morning face mo?
Paki Explain! Lab U!

Anak, bakit in-upload mo pa lahat ng selfie mo sa isang album kung pare-parehas lang naman ng pose at angle?
Paki Explain! Lab U!

Anak, magandang umaga sayo, kagigising mo lang facebook agad ang inaatupag mo. ‘Nak kamusta naman yang muta at laway mo?
Paki-explain. Labyu.

Anak, pag tiningnan ka from head to toe, insecure agad ? di ba pwedeng naguguluhan sila kung saan mukha ba yan o paa ? PALAG KA ANAK !
Na-explain ko na, labyu. (post from Creator Mikoii)

Anak, Nabasa ko yung tweet mo, “Kayakap please?” Nilalamig ka ba? Try mong yakapin ang plantsa! Landi!
Naexplain ko na! Lab U!

Anak, Di ba’t nakakatuwa na may kasama ka sa kama, hinahaplos ang buhok mo at bubulong sayo ng “HANAPIN MO ANG PUMATAY SA AKIN”.
Lab U!

Bakit ganun? Iisang anak lang naman ang pinapagalitan ko, pero bakit napakaraming nag rereact?
Hindi ko to maexplain! Lab U!

At para sa mga nakapanood na kay Donya Ina sa Bubble Gang, habang binabasa niyo ang mga ito aminin niyo ang tono ay tulad din ng kay Bitoy ano?😀

I love you Donya Ina! Mahusay. Ipagpatuloy mo yan ha.😛

Donya Ina

Lab u anak!

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. Galing! Fan din ako ni Donya Ina sa Facebook.

    Napanood mo ba yung Jessica Soho segment about it na ibang mga FB Admins daw ang na-feature kaysa sa nagpasikat ng mga funny memes nya sa FB?🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s