Ang araw ang sentro ng ating sistemang solar. Ngunit bakit minsan ang ilan ay gusto yatang pumunta sa sistemang solar at palitan ang araw? Bakit may ganitong mga tao?

Gusto kong maintindihan kung may sikolohikal na problema ba sila, ngunit hindi ako sikologa kaya mababaw lamang ang aking kayang makita. Iniisip ko, marahil tulad ng ibang bagay, ang mga sumusunod ang naka-epekto dito: biyolohikal, sikolohikal, at sosyolohikal.

Siguro nga naging produkto sila ng mga nabanggit. Ngunit hindi ibig sabihin ay kataggap-tanggap na ang mga pinaggagagawa nila sa ibang tao. Dahil lahat ng bagay sa buhay, ay bunga ng desisyon. Hindi ka tatakbo kung napagdesisyunang mong umupo. O hindi ka magagalit kung napagdesisyunan mong maging kalmado. Lahat ng bagay sa mundo ay base sa desisyon ng tao.

Ngayon, silang mga nag-iisip na sila ang sento ng mundo ay karaniwang nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: makasarili, gandang-ganda sa sarili (o gwapong-gwapo sa sarili) at bilib na bilib sa sarili. O sa madaling salita- mahal na mahal ang sarili. Isama mo na rito ang pang-aagrabyado, pagmamaliit at pang-aabuso ng ibang tao.

Miserable ang tulad nila. At nakakapang-ubos ng pasensya. Nakapanghihina. Nakakapanuyo ng bait. At nakakasuka na ang paulit-ulit na ugali.

Ang taong sinisinagan ng miserableng tao ay hindi naman kailangan magwala at magalit. Hindi rin ito makakabuti. At pinasasama mo lang lalo ay iyong pakiramdaman. Huwag nang dagdagan pa. Sabi nga ng madalas na payo ng iba, “Huwag mo nalang pansinin.”

Ang payo ko? Alam nyo bang nagpapakadalubhasa na yata ako sa The Art of Invisible Wall. Sa madaling salita hindi ako namamansin. Kapag ang tao sinagad ang pasensya ko at hindi humingi ng tawad o nagpakita ng pagsisisi sa nagawa nila sa akin, mabubura sila sa mundo ko. Nagawa ko na ito sa ilang tao. At naging matagumpay ako. Matagumpay sa paraang, bumabalik sa kanila ang pang-aagrabyado sa akin (karma ika nga), o kaya naman sila ang unang lalapit sa akin kapag natanggap na nila ang katotoohanan na sila ay nagkamali rin (na sa aking pananaw ay higit na nanakit kaya sila ang dapat humingi ng tawad).

Hindi sa nangangampanya ako para sa kaguluhan o pagpapalaganap ng galit at away. Tanggapin niyo man o hindi, hindi natin kontrolado ang mundo. Lalo na ang ibang tao. Ang tanging kaya nating kontrolin? -ang sariling pag-iisip at gawi natin.

Mahirap ang maging “sponge” na tatanggap lang ng lahat ng pasakit. Malayo sa katotohanan na mas pipiliin ko na masaktan tapos magte-thank you pa ko. Mas kapani-paniwala ang katotohanan na sadyang may mga tao na akala nila sila ang sentro ng mundo, at ang turing sa iba ay di hamak  na basura lamang. Kung gayon, hindi ko ipagsisiksikan ang sarili ko kung basura ako sa paningin mo. At lalong hindi ako kukuha ng kutsilyo na isasaksak sa sariling puso ko.

Ang araw ang sentro ng ating sistemang solar. Ngunit bakit may ilang tangang tao na hindi makita ito. Yung totoo? Wala ba kayong puso o sadyang bulag lang kayo?

Me.-Center-of-the-Universe

 

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s