Ikaw ina ang unang kaibigan

Ang unang gabay at unang kaaway

Sa iyo nalaman na may kulay ang buhay

Ang siyang ilaw sa ‘king paglalakbay

 

Sa mga munting kamay ko

Iginuhit ang pangako

Na ang pagsinta mo ay ‘di maglalaho

Higit ito sa anumang yaman o ginto

 

O kay payak noon ng buhay

Walang tanikalang tinataglay

Ikaw ang siyang laging kaagapay

Sa pagkadapa’y may nakaalalay

 

Ngunit ang buhay ay may takip-silim

Pagkakataong maranasan ang nagtatagong dilim

Ang sigwa at dusa siyang aking naging lilim

Sa mga impit na hinagpis ako’y naging sakim

 

Dalawampu’t dalawang taon, di na dalawang taon

Kaya mga pagdurusa’y sinarili’t kinahon

Tuloy ako’y animo’y nililipad na dahon

Maaari ring tangay-tangay ng walang habas na alon

 

Ngayo’y pagkatao’y pira-piraso

Paano mapupulot, paano mabubuo?

Tila yata mas madali pa ang sumuko

Nakapanghihina itong sigalot sa ‘king puso

 

Ang liwanag ng araw, itinuring kong gabi

Hangganan ng pagdurusa walang makapagsasabi

Pagsang-ayon at papuri ‘di naman nabibili

Buti ka pa ina sa pagngiti’y ‘di nag-aatubili

 

O aking ina, naalala ko na

Bilin mo nga pala ang buhay ay ‘di palaging masaya

Ang katotohanan minsan ay luluha ka

Ngunit ‘di ibig sabihin ako’y nag-iisa

 

Kaya ako’y babalik sa pamilyar mong bisig

Yayakapin bawat tibok ng wagas mong pag-ibig

Dahil ang mahalin ako ang siya mong hilig

Walang makahihigit sa’yo dito sa daigdig!

 

Lunurin man ako ng sariling luha

Umulan man ng dusa at mga sigwa

Maging malayo man ang pagdating ng umaga

Ako’y babalik sa kanlungan mo sa tuwina

 

Dahil ikaw ang tahanan ko ina.

 

Mama-&-Kath

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Ang tulang ito ay aking inilahok sa Saranggola Blog Awards 5.

Saranggola 336x280

Sa pakikipagtulungan ng:

dmci homes logo

Comments
  1. Ms.Leeh says:

    kakatouch naman po.. goodluck po sa entry nyo 🙂

    Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s