Anong Musika Ang Gumigising Sa’yo?

Posted: October 9, 2013 in Aking Musika
Tags: , ,

Bago ang tanong ng Nescafe na “Para kanino ka gumigising?” mauuna muna ang tanong na “Anong musika ang gumigising sa’yo?” Ibig sabihin, ano ang alarm tone mo.🙂

Nagtanong-tanong ako sa ilang tao at ito ang ilan sa mga alarm tone nila:

I need your love- Calvin Harris

Melody

Over The Horizon

Phone Ring

Digital Bell

Sharqi 1

Pond

String Quartet- The Scientist

Price Tag- Pitch Perfect

Boses ng Ate Niya🙂

 

Ang sa akin? Ang unang linya ay ganito:

“Nakita mo na ba ang mga bagay na dapat mong makita?”

Umpisa palang ng umaga, para na akong pinaaalalahanan di ba🙂.

“Nagawa mo na ba ang mga bagay na dapat mong ginawa?”

Parang boses ng nanay ko ‘to. Haha.

Ang pamagat ng kantang ito ay Gising na Kaibigan, inawit ng isa sa paborito kong grupo- ang ASIN.

Kung pamilyar ka sa kantang ito, marahil nagtataka ka kung bakit nakakaantok ang pampagising ko. Ang totoo niyan, nung isang buwan ko lang pinalitan ang alarm tone ko. Bago nito, I Have A Dream ng Abba ang ginagamit ko. Haha. Pareho pang-oldies noh?😀

Ang sabi nila may kapangyarihan daw ang musika. Kaya nitong maimpluwensyahan tayo sa iba’t ibang paraan. Kaya naisip kong gawing makabuluhan ang pipiliin kong mapakinggan sa umaga palang. At ano pa ba ang napili kong kanta, kung hindi ang isa sa pinakapaborito kong awitin- ang Gising na Kaibigan.

Ikaw, anong musika ang gumigising sa’yo?

cell phone alarm 120912

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s