Kung May Natututunan Tayo sa Bawat Pagkakamali, Bakit Natatakot pa rin Tayo na Magkamali?

Posted: September 20, 2013 in Tao Po
Tags: , , , , ,
ianchristian

Photo by Ian Christian

Ang bawat isa ay produkto ng nakaraan

Na humuhubog sa pagharap sa kasalukuyan

Ang pagkakamali na nalampasan

Kung umulit ay anong sakit na naman.

-MKOS

Saan nagmula ang takot na magkamali? Mula ba ito noong ating kamusmusan, kung kailan saan ay pinarurusahan ng ating mga magulang kung may nagawa tayong hindi kasiya-siya? O mula sa mapanghusgang lipunan, na itinuturing na hangal ang mga taong hindi nagtatagumpay? O baka naman mula sa di matatawarang sakit ng bawat pagkakamaling nakamtan?

Malimit na naririnig natin na ang pagkakamali ay nagbubunsod ng mga aral. Ng mga aral na hindi mapapantayan. Ngunit may mga panahon na minsa’y mapapagod ka sa paulit-ulit na pagkakamali. O mga pagkakataon na gusto mong takbuhan ang katotohanan na ika’y nagkamali.

Dahil kung tayo lamang ang masusunod, sana tama na tayo agad sa unang subok. Kung tayo lang ang papipiliin, sana hindi na tayo magdusa at masaktan pa. Kung puwede lang sana, hindi na tayo magmukhang tanga.

Ngunit ang lahat ng ito ay pabulong na sigaw lamang ng ating mga isip.

Sa reyalidad ng buhay, magkakamali tayo. Magkaiba-iba man ng sanhi at epekto, ngunit pare-pareho na magkakamali tayo. Nakakatakot. Ngunit kailangang yakapin ang katotohanang ito. Bakit? Dahil ang higit na kapaki-pakinabang na mga aral ay produkto ng mapapait na pagsubok.

Hindi kahangalan ang magkamali. Ang kahangalan ay ang hindi pagkatuto na tanggaping tayo ay nagkamali.

Comments
  1. Jakey Junkie says:

    …at natural lang siyempre ang magkamali. The world would be so boring if we do all of the things perfectly.

    But then we ask, whose standards is it anyway?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s