Minsan ang Relasyon ay May Graduation

Posted: September 19, 2013 in Tao Po
Tags: , , ,

Naaalala mo ba ang una mong pag-ibig? E ang ikalawa? Ikatlo? At mga sumunod pa? Pamilyar ka na siguro sa mga eksena kapag humantong na ito sa hiwalayan di ba?

Dahil sa bawat pagtatapos ng isang relasyon, nandiyan ang mga pamilya, kaibigan at kung sinu-sino pa na may pang-one million dollar question- Bakit kayo nag-break?

Sa totoo lang, ang hirap sumagot sa paulit-ulit na tanong. Hindi ko maipaliwanag kung bakit nagbabago-bago ang sagot ko. Siguro depende na rin sa unang rason na pumasok sa isip ko o kaya naman depende lang sa mood ko:

Kapag good mood

Tanong: Bakit kayo nag-break?

Sagot 1: Cause we have different values and priorities.

Sagot 2: I think it’s me. His heart is toooo big for the both of us… kaya wala na akong space para magmahal pa (wow ha).

Kapag badtrip

Tanong: Bakit kayo nag-break?

Sagot 1: He loved his lust more than me.

Sagot 2: I got bored.

Napakakumplikado ng mga break lines. At napakasalimuot magpaliwanag sa mga tao kung bakit kayo naghiwalay. Naisip ko, gawin nating simple ang mga buhay natin at sabihin nalang na “dahil minsan ang relasyon ay may graduation… o araw ng pagtatapos.”

Batid ko na may magsasabi sa akin na “hindi mo alam ang pinagdaanan ko kaya nasasabi mo yan nang ganyan kasimple.” At sasagot ako na “oo hindi ko nga alam, so?” Haha loko lang. Alam mo kaibigan, kapag ang dalawang nag-iibigan ay naghiwalay, anong tawag doon? Pagtatapos ng relasyon. Entiendes?

Minsan, darating talaga sa punto na hanggang doon nalang. Kung gusto mo mag-enroll ka ulit. At para naman sa nakahanap na ng da one nila, nag-aaral ang mga iyan ngayon sa forever school of love. Mahal dun noh. At ang school na yun ang tanging walang graduation ceremony. Makakapasok kaya tayo diyan? Hmmm.

Anyway, kapag sasabihin niyo na ang linyang ito, dapat ang delivery ay kalmado lang. Para ma-achieve ang maraming benefits ng sagot na ito.

Dahil una, hindi ka lalabas na biktima. Ikalawa, hindi siya lalabas na masamang tao. Ikatlo, hindi ka magmumukhang bitter. At higit sa lahat, may diploma ka na, Major in Maturity. O di ba? Congrats!🙂

Simple.  Tapos.

grad

 

 

 

 

 

 

 

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner

Comments
  1. jmsabbagh says:

    Powerful post love supposed to unite two people for ever.Divorce is the down fall of any marriage.Regards.

  2. hmmmm….. ayos ang punto ah. pag 2nd break up ba PhD na hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s