Friday the 13th!

Posted: September 13, 2013 in Tao Po
Tags: , , , , , ,

Friday13

Araw ng Biyernes.

Ika-13 ng Setyembre, 2013

Ibig sabihin ngayon ay Friday the 13th.

Maraming pamahiin ang mga Pilipino. Ngunit ang paniniwala na malas daw ang Friday the 13th ay kinakatakutan din ng mga taga-kanluran. Bakit nga ba may ganitong paniniwala ang mga tao?

Una, dahil ang numerong 13 para sa atin ay may kaakibat na negatibong pakiramdam. Marahil dahil madalas nakikita natin na ang numerong 12 ay kumakatawan sa isang kabuuan. Tulad ng orasan na may 12 bilang, ang taon na may 12 buwan, ang zodiac na may 12 simbolo, at si Hesus na may 12 disipulo.

Samakatuwid, ideyal na bilang ang 12. At nasisira ito ng 13.

Ikalawang dahilan kung bakit malas daw ang araw na ito ay nag-ugat sa araw kung kailan ipinako sa krus si Hesus- araw ng Biyernes.

At tulad ng kahit na anong uri ng paniniwala, may mga implikasyon ito sa taong naniniwala.

Para sa mga natatakot pero “konti lang,” marahil sila ay lalabas pa rin ng bahay ngayong araw. Ngunit mas maingat sa nakasanayan. At buong araw ay iisipin niya na “baka” malasin siya.

Habang ang mga may friggatriskaidekaphobia naman, yaong mga tao na takot sa Friday the 13th ay aalipinin ng araw na ito. Dahil hindi siya makakakilos sa normal na paraan. Kung may biglaan man siya na flight ngayong araw, paniguradong hindi niya itutuloy ang pagsakay. Kung kasal man ngayong araw ng bestfriend niya, hindi siya pupunta. Kung may importanteng pulong sa kumpanya, hindi siya magpapakita.  At kung kaarawan niya ngayon, hindi niya ipagdiriwang.

Sa simpleng pagmamasid sa paligid, mapapansin mo rin ang iba pang umiiral na epekto nito. Maraming taon nang nakalipas, napansin ko sa isang supermarket na pinuntahan ko na pagkatapos ng cashier number 12, ay cashier number 14 na agad. Sandaling kumunot ang noo ko. Akala ko buong buhay ko ay mali ang naituro na pagbilang sa akin ng aking ina at guro. Aba’y yun pala ay dahil lang sa paniniwala na malas ang ganung numero.

Nalaman ko rin na may mga ospital at hotel na minsa’y nilalagpasan ang bilang ng ikalabing tatlong palapag. O kaya nama’y walang ikalabing tatlong numero na kwarto.

Sa pananaw ko, hindi ko itinuturing na malas ang numero 13. Ito pa nga ang isa sa paborito kong bilang. Hindi dahil sa ito ang numero namin ng isa sa ex-bf ko, bagkus dahil ang numero 13 ay kinaaayawan ng marami kaya natutunan kong pahalagahan ito. Samatalang ang araw ng Biyernes naman ay paborito ko na mula pa noong grade one. Ibig kasing sabihin walang pasok kinabukasan.😛

Sa huli, ang pamahiin ay hindi masama. Dahil ito ay sumasalamin sa ating kultura. Ngunit ang bawat paniniwala ay may kaakibat na tanikala. Kaya naman dapat hindi tayo magpagapos kung ang epekto ay higit na makakasama sa taong naniniwala.

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. […] Sisig. Drinks: COFFEE, Water & Milk Tea. Color/s: Black & White Lucky No/s: 7 & 13 Hobbies: Writing, Reading, Watching Movies Sports/Games: Basketball, Running & Larong Pinoy […]

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s