Si Lee Grane at Ang Kanyang Musika

Posted: September 9, 2013 in Aking Musika
Tags: , ,

leegrane2012121050c55f8e9226e

Sabi ko na nga ba matatanggal si Lee Grane!

Isa sa pinag-uusapang palabas sa telebisyon ngayon ay ang The Voice of the Philippines. Interesante para sa akin ang musika. Kaya naman sinubaybayan ko ito.

Nang una kong makita sa blind audition ang babae na (hindi feminine katulad ko) may hawak na gitara at umawit ng “Anak,” tumigil ang mundo ko. OA lang, hmmm tumigil lang pala ako sa ginagawa ko. Haha. Espesyal kasi ang boses niya. Hindi ordinaryo.

Natural na sa akin ang pumili na hindi base sa popularidad. O hindi base sa kung sino ang gusto ng nakararami. Batid ko sa umpisa palang na hindi siya makakakuha ng maraming boto mula sa mga manonood. Batid ko na hindi siya magugustuhan ng ordinaryong taenga. If you know what I mean.

Madalas kasi ang manonood na Pilipino gusto ang bumibirit na mang-aawit. Ballad ang genre na hilig natin. Yung nota na umaabot sa langit. Matapang ang turing natin sa kanila. Kahanga-hanga. At sumasang-ayon naman ako dito. Kailangan talaga ng tapang kung gusto mong lumipad ang boses mo at maabot ang high notes.

At iyan ang isa sa dahilan kung bakit hindi siya popular sa pandinig ng mga pinoy. Ang boses niya ay hindi pangbirit. Ang boses niya ay nasa pinakamagandang estado nito kung ito ay tahimik at malumanay na umaawit.

Ang manonood na Pilipino ay hindi pa handa sa klase ng mang-aawit na katulad ni Lee Grane. Kung ang pelikula ay may tinatawag na Indie Film, maituturing na nasa ganoong kategorya si Lee sa mundo naman ng musika.

Noong una ay natuwa ako kay Coach Bamboo nang pumihit ang kinauupuan niya para kay Lee. Ikalawa nang piliin niya ito sa battle round, na umani ng isyu na si Lee daw ay kanyang paborito. Masaya ako dahil pinahalagahan niya ang natatanging kakayahan nito at hindi nagpatinag sa isyu. Ikatlo nang piliin niya muli si Lee sa first live show.

Ngunit kagabi, ang kalaban ni Lee ay pang-mainstream na lalaking mang-aawit. May itsura ito at syempre maganda rin ang boses. Total package ika nga. Kaya sabi ko sa sarili ko, ito na matatanggal na si Lee (badtrip). Sayang lang si Bamboo, hindi siya nanindigan hanggang sa huli. Sa palagay ko, naapektuhan na rin siya ng isyu. Naiintindihan ko siya. At alam ko rin naman na darating ang pagkakataong iyun.

Nalulungkot ako. Oo. Dahil nakakapanghinayang.

Ngunit si Bamboo na rin ang nagsabi kagabi na handa nang magka-album si Lee Grane. Ang totoo niyan, hinihiling ko rin talaga na sana ay magkaroon siya nito.

Sa huli, masaya ako na narinig ko ang tinig niya.

I admire Lee Grane’s music. Cause that’s true artistry (if you know what I mean🙂).

Salamat Lee!

 

 

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. i also like her! and i don’t mind letting her stick on her genre..

  2. Sette says:

    This is super true! Thank you for making this.🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s