1

Best in Filipino? Anyone? Ay teka teka, dapat Filipino pala muna ang gamitin ko.

Okay take 2.

Pinakatampok sa Filipino? Meron ba? Dahil Agosto na kung kailan ipinagdiriwang natin ang Buwan ng Wikang Pambansa, sukatin natin ang inyong galing sa Wikang Filipino.

Maalam ka ba sa Filipino? O isa kang banyaga sa sariling wika mo? Alamin sa pamamagitan ng pagsusulit na hinanda ko. Dapat mong isalin sa sariling wika ang mga salitang Ingles sa ibaba.

Bago simulan, kumuha ka muna ng panulat at papel.

Mga Dapat Tandaan:

1. Huwag tingnan ang sagot sa ibaba habang ginagawa ang pagsusulit. Dinadaya mo, hindi ako, bagkus ang sarili mo.

2. Kapag hindi alam ang sagot, huwag magtanong sa katabi. Lalo na kung wala ka namang katabi (katakot haha).

3.Huwag din humingi ng tulong sa FB at Twitter. At huwag mo ring i-google.

4. Sagutin sa lalong madaling panahon. Kung hindi alam, aminin na lang.

5. At huwag na huwag malulungkot sakaling mababa man ang makuhang puntos.🙂

Simulan na!

1. Me

2. Five

3. Toilet

4. Orphan

5. Fake

6. Gate

7. Lake

8. Chain

9. Wig

10. Treasurer

11. Betray

12. Archipelago

13. Clay

14. Magnet

15. Dimple

16. Grammar

17. Notebook

18. Adjective

19. Armed Forces

20. Spelling

Alamin kung ilang puntos ang nakuha!

1. Me – Ako

2. Five – Lima

3. Toilet – Palikuran

4. Orphan – Ulila

5. Fake – Huwad

6. Gate – Tarangkahan

7. Lake – Lawa

8. Chain – Tanikala / Kadena

9. Wig – Peluka

10. Treasurer – Ingat-yaman

11. Betray – Ipagkanulo

12. Archipelago – Kapuluan

13. Clay – Luwad

14. Magnet – Batubalani

15. Dimple – Biloy

16. Grammar – Balarila

17. Notebook – Kwaderno

18. Adjective – Pang-uri

19. Armed Forces – Sandatahang lakas

20. Spelling – Baybay

Bilangin ang puntos at tingnan sa ibaba ang masasabi ng inyong guro. Haha.

0-6 : Habang may buhay may pag-asa. Mag-aral ka pa.

7-13 : Nasa tamang daan ka. Ipagpatuloy.

14-20 : Hindi ka banyaga sa sarili mong wika. Binabati kita!

Malugod kong binabati ang lahat ng sumubok na gawin ang pagsusulit na ito!

Hindi ko nais na kayo’y saktan mula sa katotohanan kung gaano natin kaalam ang sariling wika. Dahil ang nais ko lamang ay paalalahanan kayo at maging ang sarili ko na mahalaga na hindi tayo banyaga sa Wikang Filipino.

PS: Maraming salamat Resident Patriot ng The Pinoy Site para sa pagbibigay hugis sa klase ng pagsusulit na mainam na mailathala para sa bokabularyong Filipino.

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner

Comments
  1. JAP says:

    Sagot ko sa “Betray,” Taksil. Haha. Nakakahiya score ko kaya ililihim ko muna. Sasagutin ko ulit itong pagsusulit sa susunod na taon.😀

  2. hoshi says:

    Gusto ko itong post mo! nais ko ring sabihin na makulay at isang buhay na buhay na salita ang Filipino. Ilang post na ring naisulat ko tungkol dito, bagaman sa ilang bahagi at sa isa ko pang blog (hoshilandia.com) ay medyo gumagamit na rin ako ng wikang Ingles ( for SEO purposes), nais kong ipabatid na iba pa rin ang mag-blog o sumulat gamit ang sarili mong wika.

    Mabuhay ka!

    • Sang-ayon ako sa iyo Hoshi, tunay na napakaganda ng ating wika!
      Sa aking palagay, ayos lang naman na magsulat tayo sa iba’t ibang wika, basta sa huli huwag lamang nating kaligtaan ang ating sariling wika. Gamitin pa rin at huwag maging banyaga.😉

  3. Labing-apat ang tama kong sagot! Subalit nais ko sanang ipasa-alang-alang muli sa may-akda ang kuwaderno at kadena sapagkat ito ay tunog Kastila. Sapat na marahil ang tanikala para sa “chain”.

    Iminumungkahi ko naman ang “talaan” para sa notebook.

    Datapuwa’t ayon sa aking mahiwagang Diksyunaryong Inggles-Tagalog ay walang Tagalog na salita para sa “notebook”😀

    • Aha, babalikan kita dyan kapatid. Ang mga naisulat sa itaas ay base lamang sa aking pagmamagaling. Hahahaha.

      Susubukan kong konsultahin ang mga tunay na eksperto.🙂 Subalit hindi agad-agad, sapagkat ang aking iskedyul ay masalimuot pa.🙂

      Salamat RP!

  4. Reblogged this on Pinay Unlimited and commented:

    Agosto na! Ibig sabihin buwan na muli ng wikang pambansa!😀
    Reblog muna tayo mga pinoy mga pinay. 😉

  5. Hindi ko nakuha ang clay at dimple. Sagot ko sa fake = peke, at betray = hinudas.🙂

  6. Jakey Junkie says:

    11/14

    Lubos kong ikinahihiya ang aking nakuhang marka. Marapat lamang na pagyamanin ang ating kaalaman sa ating sariling wika, dahil ito ang kaluluwa ng ating kultura. Harinawa’y patuloy pa rin itong isapuso ng mga salinlahi, sa ikauunlad ng pag-alab ng damdaming makabayan.

  7. wahaha, eksaktong 14 ang nakuha ko🙂 ang galeng na quiz, alam ko yung mga ibang salita, nalimutan ko lang hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s