Bucket List Item No. 51 : Seeing LeBron Live (Mission Accomplished)

Posted: July 24, 2013 in Ang Kwento ni Pinay, Pusang-gala
Tags: , , , , , , , , ,

Ang inspirasyon ay hindi nakukuha, nabibili, nalilimos, nahihiram o nananakaw sa kung saan. Ito ay epekto mula sa mga tao, bagay o pangyayari na humaplos sa puso mo.

Sigurado ako na narinig nyo na ang pangalang LeBron James. Hater ka man nya o hindi. May pakialam ka man o wala. Nababatid kong pamilyar ka sa kanya. At kung taga-Pinas ka, nabalitaan mo rin siguro na dumating sya dito kahapon, Hulyo 23.

Kung nabasa nyo ang post ko noong nakaraan tungkol sa aberya sa bigayan ng ticket… nagugulumihan marahil kayo ngayon kung bakit nagsusulat pa rin ako tungkol sa pagdating nya, samantalang halos isumpa ko na ang araw na hindi ako nakakuha ng ticket. Haha.

Dahil kahapon… I was able to witness history!

pinay-ok

Oo, nakapunta pa rin ako ng Mall of Asia Arena!

May ilang anghel sa lupa na naging daan upang makakuha ako ng ticket.

2Tickets-ok

Pero hindi ako bumili ng ticket sa Sulit.com.ph noh. Nanggigilaiti nga ako dun sa mga nagbenta eh. Sana nag-lie detector test muna bago nagbigayan ng ticket kung tunay na fan ni LeBron. Anyway,  malaki ang pasasalamat ko kay Kuya Jo. At syempre kay Kuya Rey na syang nagmamay-ari ng mga ticket. Kaya lang, sa kung anumang dahilan, hindi na sya nakasunod pa sa MOA. Gusto ko pa naman sana syang mapasalamatan ng personal. At kung noong isang linggo pulubi ako sa ticket, ngayon, may sobra pa akong isa. Ako na.

Ika nila, Desires are nourished by delays.  At oo ramdam na ramdam ko ito. Isama mo na ang kaba nang lakbayin namin ang mga kalsada kasabay ang naglalakihang mga truck. Ikalawang pagkakataon ko palang maka-angkas sa motor. Lakbay tungo sa pagkuha ng ticket ito. Buwis buhay. Pero the best ka talaga Kuya Jo. I owe you a lot! Libre kita ng kape. Yung great taste white. Hahaha.

pinay&kjo-ok

Ang daming pangyayari na gustong humadlang upang makita ko ang paborito kong manlalaro sa basketbol. Pero putulin na natin yun at dumiretso na sa MOA.

Heto sa labas nakita ko si Kuya Portrait. At dahil hindi ko naman malalapitan si LeBron, nagpapicture na lang din ako sa dala nya🙂

LBJ'sPortrait-ok

Ang sarap ng atmosphere sa loob ng arena. Iisa ang aura ng nakararami. Lahat kami pinapahalagahan ang kahusayan at kadakilaan ni LeBron sa larong kinabibilangan nya.

Ngunit bukod kay LeBron, may isa pang umagaw ng atensyon ko. Dahil Gen Ad ang ticket ko at ang seat number ay nasa pinakataas, pakiramdam ko tuloy abot ko na ang tuktok ng arena.

gen-ad-ok

Sabi ni Kuya Rey dapat daw Upper Box kami. Kaso pinagpalit nya yung dalawang ticket para dumami.

Sa akin, no problemo. Kahit SRO pa yan.

Okay, the long wait is over.

Nakita ko na si LeBron! Di pala sya katangkaran. Maliit lang.

from-afar-ok

Hahaha. Ang layo ko kasi. Ang liit nya tuloy.

Nagkaroon ng training session with LeBron. Masaya ako para sa mga bata at propesyonal na manlalaro natin. Hindi ko sila masisisi kung noong una nakaramdam sila ng pagkailang. Best player in the world ba naman eh. Pero sa huli, nakita ko na nag-enjoy talaga sila. Lalo na’t nanalo ang Smart Gilas by two points against Team LeBron (29-27).

f2a59613-f065-4beb-b94b-abb33161bba1_20130723_NPPA_CBD_22340

Maraming dunk na ginawa si King James. Napapanood ko lang noon sa TV, pero ngayon nakita ko na mismo! Ang astig! Ngunit marahil ang pinakatumatak sa lahat ay yung nag-drive to the basket si LeBron tapos sumabay ang may apat (sa tantya ko) na Gilas. Ayun! Ipi-print na ang poster bukas. Hahaha.

Ngunit ang best moment? Yung may bulinggit na nag-drive to the basket kung saan nasa ilalim ng rim si LeBron. At binuhat nya ang bata sabay dakdak ng bata. Awwww. Ang gandang tanawin.  :-)

342x256xlebron-with-kid-342x256.jpg.pagespeed.ic.kR5ZUTSacB

Isang oras lang namin nakapiling si King James… pero sabi naman nya hindi ito ang huling bisita nya sa Pinas! Aabangan ko ang pagbabalik mo. Sana kasama ko na ang younger brother ko.

So see you next time King James.

021132270_29a9bf8aafeba03834c81fb576fd4f2df3a9f280

PS: Kung inaakala nyo na napatawad ko na ang Nike… di ko pa rin po sila bati (haha). One percent lang nabawas sa galit ko🙂 Papatawarin ko lang sila kapag humingi na sila mismo ng sorry sa akin. (Whaaaat?) Haha. Bakit ba.

*I do not claim to own the rights to any of the posted images unless otherwise noted.  All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. […] event ever happened? My younger brother’s college graduation and seeing Taylor Swift & LeBron James. Funniest Experience? M2M. Like entering a wrong class (hindi lang once, paulit-ulit! Haha). Most […]

  2. […] ko ng another blog post para ilarawan ang mga dahilan kung bakit isa si Taylor Swift (bukod kay LeBron James at P!nk) sa mga hinahangaan kong […]

  3. Jakey Junkie says:

    Sayang, hindi na ako masyadong nakakapanood ng NBA. Hindi na ako gaanong updated. The last time I checked, panahon pa nila Grant Hill, Michael Jordan, Karl Malone, Alonzo Mourning, Penny Hardaway – you get the picture – nu’ng nanonood ako. 90s kid, ‘ika nga.

    Siguro kung nagpunta si Grant Hill dito nu’ng kasikatan pa niya sa Detroit Pistons, pupuntahan ko rin ‘yan!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s