Kung Kapatid ni Sinungaling si Magnanakaw, Sino Ang Mas Matanda?

Posted: July 4, 2013 in Tao Po
Tags: , , , , ,

Maraming katanungan sa buhay na minsa’y humahamon sa ating malalim na pagkaalam sa mga bagay-bagay.

Tanong : Kung kapatid ni sinungaling si magnanakaw, sino ang mas matanda?

laptop-thief

Pagsisiyasat: Sa ginawa kong pagtanong-tanong sa ilang taong handang ilaan ang bahagi ng kanilang neurons, lumabas na 63.6% ang naniniwala na mas matanda si magnanakaw, samantalang tig-18.2% naman ang naniniwala na si sinungaling ang mas matanda o kaya naman sila ay kambal.

Kadalasang rason ng 63.6% ay base sa pagkakasunod ng pangyayari. Kung saan, nauuna ang “pagnanakaw” na susundan pa lamang ng “pagsisinungaling” (kapagka nahuli).

Ang argyumento naman ng mga sinungaling, este ng naniniwala na mas matanda si sinungaling ay dahil sa pagiging higit na madali ng pagsisinungaling kaya ito ang naunang isinilang.

Pananaw ni Pinay: Una sa lahat, sino ba kasi ang mga magulang ng mga iyan? Bakit hindi nila alam kung sino ang mas matanda!? Mga pabayang magulang! Haha. Loko lang. Hindi na natin sasagutin pa kung sino mga magulang nila. Ang sakit na sa ulo masyado nyan.

Tunay na may mga magagandang punto ang mga matatalinong sumagot ng aking survey. Ngunit upang higit nating maintindihan, alamin natin ang kahulugan ng dalawang importanteng salita.

Alam ko alam mo na, pero magpatuloy ka sa pagbabasa, sariling kahulugan ko naman ito:

Magnanakaw: taong umangkin ng bagay na syang pag-aari ng iba

Sinungaling: taong ginawang reyalidad ang hindi naman totoo

Ngayon, kung mapapansin natin, ang dalawang nilalang ay pareho na may inangkin o kinuha. Yung una ay materyal o intelektwal na bagay. At ang ikalawa’y pagkuha sa reyalidad o yaong tinatawag na katotohanan.

May nakapagsabi din sa akin na sila daw ay mag-asawa. Ngunit iisa lamang ang tabas ng kanilang mga mukha. Kaya nababatid ko na nanggaling sa pareho na dugo ang nananalaytay sa kanila.

Kung nanggaling sila sa iisang dugo, sino ang mas matanda? Sa aking palagay, si sinungaling.

truthlies

Sa puso ng tao, batid natin kung ano ang dapat at syang totoo. Ngayon, kung sa puso na ito ay itinakwil natin ang katotohanan, nagsisinungaling na tayo. Kaya, si sinungaling ang unang ipinanganak (conceived by our hearts).

At ang epekto? Pagsilang ng iba pang mga kapatid ni sinungaling- pagnanakaw, panghoholdap, pagpatay, pag-rape, atbp.

Kung may mga tanong po kayo na nais ibahagi, paki-padala lamang sa pinayunlimited@yahoo.com.

 

*I do not claim to own the rights to any of the posted images unless otherwise noted.  All rights belong to its rightful owner.

Comments
  1. Hahaha…talagang inalam niyo pa yan. Nice!

  2. bagotilyo says:

    natuwa ako at talagang may mga percentage pa talaga.

    Ipa DNA natin para makasigurado atyong magkapatid sila :p

    heheheh…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s