Wattah Basaan!Kung sa ordinaryong araw ako nabuhusan ng tubig at na-water gun sa mukha, baka what the f*%#! ang nasabi ko🙂

Ngunit ika-442 Araw ng Maynila (kung saan ako nakatira) kasabay ang taunang Wattah Wattah Festival ng San Juan (kung saan ako nagtra-trabaho) kaya ayos lang!

Ipinagdiriwang ng mga taga-San Juan tuwing ika-24 ng Hunyo ang Wattah Wattah Festival bilang paggunita kay San Juan Bautista. Ang mga tao ay tradisyonal na nagbabasaan o nangbabasa ng mga taong dumaraan, mga tao sa sasakyan, o kahit sa mismong mga bisita nila.

IMG_1232

Ayon sa kanila, gawi ito upang paalalahanan ang mga tao ng kanilang baptismo.

Ito ang unang pagkakataon na mapabilang ako sa tradisyonal na pagdiriwang na ito. At kahit bahagyang masama na ang pakiramdam ko habang isinusulat ko ito ay ayos lang.

Umalis ako ng bahay baon ang extra na bag. Laman ang extra na damit. Suot ang aking flat shoes kahit nais ko sanang mag-high heels. Batid ko na mahaba-haba ang lalakarin ko dahil sa pagsarado ng mga kalye para magbigay daan sa pagdiriwang.

At katulad ng inaasahan, bumaba ako sa may kalayuan. Naglakad sa daan. Nang makarating sa paroroonan, binasa ng taga-San Juan.🙂

May isang lalaki na lumapit sa akin. Wika niya, “Ate, babasain kita.” Siyempre noong una, pinilit ko muna magpalusot, baka kumagat e. Sabi ko, pass muna kuya, mababasa rin naman ako sa F. Blumentritt e, doon na lang ako magpapabasa. Aba’y ayaw ako tatantanan. At nang luminga ako sa paligid, laking gulat ko na lahat na pala ng tao sa paligid ay nakatingin na sa akin.

Tila ba may hinihintay sila.

Dalawang bagay lang ang tumatakbo sa isip ko. Una, kung mag-iinarte pa rin ako baka ihagis na nila ako palabas ng San Juan. O ikalawa, magpapabasa na ako dahil ayoko rin namang maging KJ noh.

At ginawa ko nga ang huli. Ang totoo niyan, naaliw din ako sa pangyayari na ito. Naramdaman kong nakangiti ako nang pinagpatuloy ko ang aking paglalakad.

Ilang segundo lang matapos nun ay may bumaril sa mukha ko gamit ang water gun. At naka-apat na shots siya sapul lahat sa mukha ko. Kaya gusto ko sanang mag-react:kuya may problema ka ba sa mukha ko?”

Ngunit di nalang ako nagsalita, nakita ko namang masaya siya kaya pinagpatuloy ko na lamang muli ang aking paglalakad.

Sa kabuuan, isang magandang paalaala ang araw na ito sa iba pang pagdiriwang sa Pilipinas. Na sana, sa mga susunod na panahon ay magawa ko ring mapuntahan at masaksihan. Isang paraan din kasi ito upang pahalagahan ang mga natatanging tradisyon ng bansa at bahagi na rin nun ay upang higit na kilalanin pa ang lahat ng tungkol sa kanya.

*I do not claim to own the rights to any of the posted images unless otherwise noted.  All rights belong to its rightful owner.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s