when_i_grow_up_i_want_to_be____by_demonflair-d4yy67n

May paboritong tanong ang mga matatanda sa mga bata: Ano ang gusto mo paglaki?

Tanong na paulit-ulit ulit ko na narinig sa napakaraming taon, mula sa pamilya, guro, kakilala, at hindi kakilala.

Naranasan mo rin yun ano?

Ngunit ang naging sagot ko noon ay hindi pare-pareho.

Dahil noong una, ang pangarap ko ay maging doktor. May napanood kasi ako sa telebisyon na may sakit at walang pangbayad sa doktor. Nahabag talaga ako. Sunod naman ay nakapanood ako ng mga kapus-palad na napagkaitan ng hustisya. Kaya dahil dito ninais ko nang maging abogado.

Makalipas pa ang panahon, nagbago muli ang isip ko, napansin ko kasi na mayayaman ang mga negosyante kaya nasabi ko sa sarili ko “magnegosyo na lang din kaya ako?” At noong huli, naging interesante sa akin ang pagsasalita sa harap ng mga tao gamit ang Wikang Filipino (katulad ng mga tagapagbalita sa telebisyon).  Kaya nang ako’y magkolehiyo Pakikipagtalastasang Pangmadla ang aking kinuha.

Sa madaling salita, ang gusto ko pala talaga ay manood sa telebisyon. Bakit ba hindi ko noon kaagad nakita?🙂

Ngayon, dalawang dekada at dalawang taon na mula nang unang humalik ang hangin sa aking mumunting katauhan. Iniisip ko, saan kaya talaga ako piniling akayin ng hangin? Ibinulong kaya nito sa akin kung ano ang aking gagawin? Mangyari kayang marinig ko muli ang parehas na bulong ngayong hindi ako masaya sa piniling tahakin?

Career. Gift. Calling. Passion. Saan ko man sila marinig o makita, may dulot na kirot  sa akin ang ganitong mga salita. Hindi ko ikakaila, na marahil may hindi pa ako ginagawa. Marahil may pangarap na binaon ko na sa limot. O pangarap na hindi ko pinakinggan. O pangarap na dapat kong tinuklas, ngunit hindi ko nalaman.

Anong gusto mo paglaki? Ngayong malaki ka na, ito ba talaga ang gusto mo?

Ang paboritong tanong ng matatanda ay kay hirap pa rin palang sagutin kahit sa pagtanda.

*I do not own the posted image. All rights belong to its rightful owner.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s